WATCH: Arra San Agustin addresses plastic surgery rumors
Para sa latest episode ng Taste MNL, sinagot ng host na si Arra San Agustin ang ilang mga tanong sa kanyang personal na buhay.
Sa segment na #AskArraAnything, ang kanyang guest na si Ervic Vijandre ang nagtanong ng posts ng Taste MNL fans kay Arra. Ilan sa mga ito ay tungkol sa kanyang ideal guy at kung nasubukan na ba ni Arra ang plastic surgery.
"Na-ah!" diretsahang sagot ni Arra nang tanungin siya kung nasubukan niya na bang magpa-enhance ng bahagi ng katawan.
Dagdag pa ni Arra, alam niya ring hindi pantay ang bahagi ng kanyang ilong pero wala umano siyang retoke.
"Ilong wala din, hindi nga pantay ilong ko eh."
Panoorin ang kanilang fun food trip with kulitan sa latest episode ng Taste MNL.