#ExBRules!: Amazing facts you need to know about Ex Battalion
Kilalanin ang Ex Battalion na nagpasikat ng kantang "Hayaan Mo Sila."
Ex Battalion
Binubuo ng 13 miyembro ang sikat na grupong Ex Battalion na mayroong 11 rappers at dalawang viners o 'yung mga gumagawa ng viral videos.
Rap groups
Produkto ng pinagsama-samang underground rap groups mula Muntinlupa City ang Ex Battalion.
Sanib puwersa
Taong 2012 nang magsanib puwersa ang rap groups na ito na noo'y sumasali lamang sa contests sa barangay.
First album
Taong 2016 nang ilabas ng Ex Battalion ang kanilang kauna-unahang album na "X" sa digital platforms.
Aiai Delas Alas
Nagkaroon ng collaboration ang Ex Battalion kasama ang Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas. Ang kanilang kantang "Walang Pinipili" ay distributed ng GMA Records. Si Aiai Delas Alas na ang tumatayong manager ngayon ng grupo.
Spotlight Music Sessions
Live na nag-perform si Aiai kasama ang Ex Battalion ng kanilang kantang "Walang Pinipili" sa 'Spotlight Music Sessions.'
Hayaan Mo Sila
Bago matapos ang 2017, sumikat sa YouTube ang kanta ng Ex Battalion na "Hayaan Mo Sila" at naging number one trending pa nga ito.
YouTube
Ngunit pagpasok ng 2018, hinarap ng Ex Battalion ang isang isyu tungkol sa 'di umano'y paggamit nila ng isang international beat sa kantang "Hayaan Mo Sila." Nagdulot ito ng pagkabura ng kanilang sikat na kanta sa video sharing site.
Paglilinaw
Agad naman nilinaw ng Ex Battalion ang pangyayari at pinabulaanan ang ibinibintang sa kanila. Ayon sa kanilang interview sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' binayaran daw nila ang rights ng beat sa halagang $2,000. Ngunit dahil lumagpas sa pinag-usapang 250,000 views ang kanilang music video ng "Hayaan Mo Sila," sinisingil sila ng producer ng beat ng dagdag na bayad.
Pagsikat
Kahit nagkaroon sila ng problema, tuloy na tuloy pa rin ang lalong pagsikat ng Ex Battalion at ng kanilang kantang "Hayaan Mo Sila."
Wowowin
Sa katunayan nga ay inimbitahan pa ni Willie Revillame ang Ex Battalion sa 'Wowowin.' Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 14 million views ang kanilang performance sa Kapuso show.
Fans
Patuloy pa ring dumarami ang ExB fans kahit hindi pa naibabalik sa YouTube ang "Hayaan Mo Sila."
ExB Rules!
Ipapalabas na ang digital show ng Ex Battalion na 'Ex B Rules!' ngayong June 11. Don't miss 'ExB Rules!,' every Monday at 5 pm via GMA ONE on GMA Network's official YouTube account.