Joyce Pring, sabunot at sampal ang inabot sa sa set ng 'Ika-6 Na Utos' at 'The Stepdaughters'?
Natikman ni Joyce Pring kung gaano ka-intense ang mga sampalan at sabunutan scenes sa GMA Afternoon Prime shows na Ika-6 Na Utos at The Stepdaughters sa isang episode ng All Access.
Sa nasabing episode ay binigyan siya ng tips nina Ryza Cenon at Angelika dela Cruz kung paano magawa ang perfect teleserye sampal. Nag-demostrate naman sina Sunshine Dizon at Katrina Halili kung paano nila ito ginagawa, at nagbigay din ng mga paraan para hindi masaktan ang kanilang ka-eksena. Si Glydel Mercado naman ay pinakita ang ways para maging believable ang sabunutan sa isang eksena.
Panoorin ang buong episode dito: