
Magbabalik sa Philippine television ang hit Korean fantasy-medical drama series na Ghost Doctor.
Bago matapos ang buwan ng Marso, ihahandog ito ng GMA Heart of Asia sa Pinoy viewers at fans ng Korean actors na sina Rain at Kim Bum.
Tampok dito ang istorya ng dalawang doktor na sina Henry (Rain) at CJ (Kim Bum), na tiyak na magsisilbing inspirasyon sa mga manonood tungkol sa pagpapahalaga sa buhay at pag-ibig.
Ang karakter ni Rain na si Henry ay makikilala bilang isang genius doctor na kabaligtaran naman ni CJ, ang role ni Kim Bum.
Ano kaya ang mangyayari sa pagtatagpo ng kanilang mga landas? Ano kaya ang magiging koneksyon ng dalawang doktor sa isa't isa?
Kaabang-abang ang mga eksena sa naturang serye na talaga namang hindi dapat palampasin ng TV viewers.
Matatandaan na unang ipinalabas ang Korean series sa GMA noong taong 2022.
Sabay-sabay na tumutok sa Ghost Doctor, mapapanood na sa darating na March 31, sa GTV.