Betong reassures viewers that 'Genesis' and Yolanda were just coincidences
Marami ang nakapansin na ang mga kalamidad sa nangyayari sa adventure-drama series na Genesis ay halos pareho sa mga kalamidad na tumatama sa ating bansa. Halos sabay kasi ang paglindol na naganap sa programa at ang 7.2 magnitude earthquake na yumanig sa Bohol. Ang most recent coincidence ay ang nangyaring storm surge na dala ng bagyong Yolanda, ilang araw pagkatapos ipalabas ang tsunami episode ng primetime series.
GMANetwork.com had the chance to chat with one of the show's cast members, Betong Sumaya, recently. The comedian, who usually has a funny disposition, turned serious when asked about the coincidences between the events in Genesis and the calamities the country is facing.
"Nagkataon talaga na kung ano ang nagyayari sa Genesis, [nangyayari sa atin.] Nung lumindol, lumindol. Nung nagka-tsunami, may tsunami din," he explains.
Dagdag pa niya, "'Yung susunod kasi sa Genesis, may puputok na bulkan. Ipanalangin po natin na huwag pong mangyari 'yun. Kasi kung may sumabog pa, naku kami na po ang bagong PAGASA, kami na ang nagpe-predict ng mga panahon (laughs)."
Napag-uusapan din daw nila ito ng lead star ng show na si Dingdong Dantes. "Minsan nararamdaman namin na parang sumasakto siya, sumasabay siya. Pero siguro nagkataon lang. Nagkataon naman talaga kasi shinoot namin 'tong Genesis matagal na. Hindi naman rin namin sinasadya na mangyari 'to, kung ano ang nasu-shoot."
Hindi lang naman daw puro problema ang nagiging pareho sa Genesis at sa totoong buhay, dahil sinasalamin din ng programa ang pagbangon ng mga Pilipino pagkatapos ng kalamidad. "Ang maganda doon, 'yung pinalabas nung Friday (November 15), ang Pilipino, kahit anong pagsubok ang mangyari, talagang matibay, matatag at doon nalalaman 'yung tunay na diwa ng bayanihan."
Abangan si Betong Sumaya bilang Tolits sa Genesis, weeknights after Adarna, at sa Bubble Gang, every Friday pagkatapos ng Akin Pa Rin Ang Bukas. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com