TV

Amazing Betong’s amazing trek to stardom

Updated On: April 11, 2020, 03:03 PM
A talent coordinator had rejected him twice because he was not good-looking. If only that person could see him now.

Nakilala bilang Ultimate Survivor ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown ang Kapuso comedian na si Amazing Betong Sumaya.

Sa tunay na buhay, siya ay kilala bilang si Albert Sumaya Jr. Alamin kung paano nagsimula ang kanyang amazing story.

Itinuturing ni Betong na kanyang biggest break ang pagkapanalo sa Survivor.
Sabi niya, “Hindi ko in-expect na mananalo ako. Oh My God! It’s a life-changing, humbling experience.”

Nakapagtrabaho bilang executive producer sa GMA News and Public Affairs ng Day Off ang Ultimate Survivor. Muli niyang sinariwa ang pagtatrabaho niya sa likod ng camera.

Kuwento niya, “Doon kasi more on behind-the-scenes, nag-iisip ka ng mga gagawin for the show. Ngayon, meron na akong executive producer, tapos under na niya ako.”

He recalls, “Ibang-iba, dati ikaw ang nagdidirek, ngayon ikaw ang dinidirek, pero sobrang saya parang naglalaro pero alam mong serious business.”

Sa bilis ng mga pangyayari, minsan naninibago pa rin si Betong sa kanyang pagiging instant celebrity.

“Nakakapanibago rin minsan. Sa TV di mo nakikita ang reaksyon ng mga tao, kung natatawa sila o hindi. Iisipin mo na mapatawa mo sila kahit hindi mo sila nakikita.”

Natutuwa siya kapag nakakatanggap ng positive feedback from the Kapuso viewers.
“Maganda kung may nakikita kang comment na natatawa sila katulad ng ‘Uy natawa ako sa iyo!’Wow! Walang katumbas iyon na halaga! Nagawa mo kung ano ang dapat mo i-deliver,” he exclaims.

Kapag sinabi mong ‘Amazing!’, ang unang papasok ay ang pangalang Betong. Nadikit na sa kanya ang katagang ito kaya tinanong ng GMANetwork.com sa kanya kung paano nagsimula ang tagline na ‘Amazing!’

Ayon sa kanya, nagsimula ito noong 1996, nakasama niya pa noon si Love Añover bilang production assistant ng Probe Team.

“Noong nasa Probe Team kami [Love Añover] puro Ingglesera ‘yong mga kasama namin. Kapag nag-i-English sila lagi kaming kinakabahan, gusto mong sabihin, ‘Pwede, Tagalog na lang po’. So, naisip namin kung ano ba ‘yong word na ‘pag sinabi mo, ‘yon na lahat,” he shares.

“’Yong ‘Amazing!’, naisip ko lang siya, kasi okay ‘yong word, happy, positive. Kapag sinabi mong, ‘Yeah, I think the script is amazing!’ Hanggang sa ginamit ko na siya, nadikit na siya sa akin, na ‘Amazing Betong.’ Sa Survivor palagi talagang ‘Amazing!’ ‘yong ginagamit ko.”

Noong hindi pa siya sikat, naisip niya na rin ba na pasukin ang mundo ng showbiz?

Kwento niya, high school pa lang ay hinangad na niya na maging artista. “Noong high school ako, may talent coordinator na dumating, naghahanap ng artista. Pangarap ko na mag-artista dati pa, pero hindi ko alam kung paano. So ihinarap ako sa talent coordinator, ‘Ah, ito po’. Sabi ng talent coordinator pagkatapos  akong iharap sa kanya, ‘Ah, hindi siya pwede, pangit’.”

Dahil sa pag-encourage sa kanya ng guidance counselor, sinubukan niyang muli, “Sabi ng guidance counselor ng school namin, ‘After two hours ipapakita kita ulit, baka makalimutan na nakita ka na kanina. Sabi ko, ‘Shucks! Extra lang ‘yon ‘di pa ako makapasok. After two hours, ipinakita ako.”

At ang nangyari ay, “Sabi, ‘Di ba sinabi ko na nga na ‘di siya pwede.’ Naalala niya ako (laughs).”

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung dati ay inakala niyang hanggang pangarap lang ang pagiging artista, ngayon ay nasa rurok na siya ng kasikatan.

“Nagkaroon ng Betong. Ay, pwede pala.”

Catch Amazing Betong in Genesis as Tolits Dimagiba on GMA Telebabad after Adarna. Don’t miss his funny side in Bubble Gang every Friday! For updates on your favorite shows and stars, just keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.