What's on TV

Unang tatlong 'Encantadia' series, mapapanood na online!

By JR Remigio
Published October 3, 2017 3:26 PM PHT
Updated October 3, 2017 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang full episodes ng Encantadia 2005, Etheria at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas online!

Avisala, Encantadiks!

Nais mo bang balikan ang mga maaksyon na pakikipagtunggali ng apat na Sang’gre na sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya laban sa pananakop ni Hagorn sa buong Encantadia?

Nasasabik ka bang panoorin muli ang pagbabalik ng mga Sang’gre sa nakaraan upang harapin ang hukbo ni Ether at ang mga Heran?

Paano naman ang paglalakbay ng mga Heran sa kasalukuyan upang makapaghiganti sa mga Sang’gre?

Ang lahat ng ‘yan ay makukumpleto mo na at mapapanood online dahil ang buong Encantadia series (Book 1, Etheria, Pag-ibig Hanggang Wakas) ay available na sa GMANetwork.com/fullepisodes.

Ito ang mga pilot episodes ng Encantadia 2005, Etheria at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas.

 

 

 

 

 


Abangan din ang full episodes ng bagong Encantadia 2016 ngayong Oktubre!