Rambo Agapito, panalo sa bayan at sa buhay sa pagwawakas ng 'Forever Young'
Sa pagwawakas ng GMA Afternoon Prime series na Forever Young ngayong Biyernes (February 21), naipanalo ni Mayor Rambo Agapito (Euwenn Mikaell) ang kanyang laban para sa bayan at sa buhay.
Tingnan ang mga naganap sa finale episode ng Forever Young sa gallery na ito:
Forever Young finale
Sa finale episode ng Forever Young, hinarap ni Rambo (Euwenn Mikaell) ang kanyang huling laban kina Esmeralda (Eula Valdes) at Rigor (James Blanco).
Pagkasira ng plano nina Esmeralda at Rigor
Nalaman nina Esmeralda (Eula Valdes) at Rigor (James Blanco) na may mga nakapasok sa lugar kung saan nila hinostage sina Rambo (Euwenn Mikaell) at Eduardo (Michael De Mesa) kasama ang pamilya Agapito.
Paglaya mula sa pagka-hostage
Habang hinahanap nina Esmeralda (Eula Valdes) at Rigor (James Blanco) ang nakapasok, tinulungan ni Rambo (Euwenn Mikaell) na makalaya ang pamilya mula sa pangho-hostage ni Esmeralda.
Pagdating ni Joryl
Ibinunyag ni Joryl (Abdul Raman) kay Esmeralda (Eula Valdes) na si Rigor (James Blanco) ang totoong pumatay sa kanyang amang si Albert (Rafael Rosell).
Pagbaril ni Esmeralda kay Rigor
Hindi na naniwala si Esmeralda (Eula Valdes) sa pagtanggi ni Rigor (James Blanco) at nabaril niya ito sa binti.
Rigor
Hindi binitawan ni Rigor (James Banco) si Esmeralda (Eula Valdes) at kakaunting oras na lamang ang natitira bago sumabog ang bomba.
Nakaligtas mula sa pagsabog
Nakaligtas si Eduardo at ang buong pamilya Agapito mula sa pagsabog, maging ang magkapatid na sina Rambo at Joryl (Abdul Raman).
Pagsisisi ni Esmeralda
Nakaligtas din si Esmeralda (Eula Valdes) mula sa pagsabog pero nasunog ang mukha nito. Labis ang pagsisisi nito sa mga kasamaang nagawa sa pamilya ni Eduardo (Michael De Mesa), maging sa pamilyang nagpalaki kay Rambo (Euwenn Mikaell).
Best Mayor of the Year
Panalo si Rambo (Euwenn Mikaell) bilang Best Mayor of the Year at inialay niya ang natanggap na award sa kanyang Lolo Eduardo (Michael De Mesa).