Meet the cast of 'Forever Young'
Simula October 21, mapapanood na ang pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young.
Sa inspiring family drama series, tampok ang pambihirang kuwento ni Rambo Agapito, isang 25-year-old na may kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism na nakaapekto sa kanyang paglaki. Sa kabila ng kaibahan, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
Pagbibidahan ang Forever Young ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell bilang Rambo.
Magbibigay inspirasyon din sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Mas kilalanin ang cast ng Forever Young sa gallery na ito:
Euwenn Mikaell bilang Rambo Agapito
Matapang, palaban, mapagmahal sa pamilya, at matulungin sa kapwa. Isang 25-year-old na may rare medical condition na tinatawag na panhypopituitarism na nakaapekto sa kanyang paglaki. Bagama't may kakaibang kondisyon, hindi ito magiging hadlang kay Rambo na tuparin ang pangarap at makatulong sa kapwa.
Michael De Mesa bilang Eduardo Malaque
Marangal, kagalang-galang, at handang magparaya para sa bayan. Lolo ni Rambo na magtuturo sa kanyang pasukin ang mundo ng politika.
Eula Valdes bilang Esmeralda Vergara
Ganid sa kapangyarihan, mapagsamantala, at matapobre. Mahigpit na kalaban nina Rambo at Eduardo sa politika.
Rafael Rosell bilang Albert Vergara
Anak ni Esmeralda at magiging karibal ni Rambo sa politika. Mapagmahal nang wagas. Hangad niya na maramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya, hanggang sa isang rebelasyon ang babago sa kanyang buhay.
Alfred Vargas bilang Gregory Agapito
Mapagmahal na padre de pamilya. Palabiro at all-out ang support para sa kanyang mga anak na sina Rambo, Raine, at Rylie. Gagawin niya ang lahat para maitaguyod ang pamilya.
Nadine Samonte bilang Juday Agapito
Mapagmahal na asawa at ina. Siya ang source of wisdom ng kanyang mga anak na sina Rambo, Raine, at Rylie.
James Blanco bilang Rigor
Kanang-kamay ni Esmeralda Vergara. Handa niyang gawin ang lahat, kahit ang pumatay, maprotektahan lang ang kanilang posisyon at kapangyarihan. Pero ano kaya ang matinding lihim na itinatago niya kay Esmeralda?
Matt Lozano bilang Ompong
Matalik na kaibigan ni Rambo at kasama sa mga kalokohan. Pero sa oras ng kagipitan, palaging to the rescue sa kanyang best friend.
Althea Ablan bilang Raine Agapito
Nakababatang kapatid ni Rambo at supportive na kapatid. Pero iibig siya sa lalaking mula sa angkan ng pamilyang karibal ni Rambo at Eduardo sa politika.
Princess Aliyah bilang Rylie Agapito
Bunsong kapatid ni Rambo. Makulit, pasaway, at may pagka tomboy. Selos siya kay Rambo dahil kahit siya ang bunso, laging na kay Rambo ang atensyon ng mga magulang bilang may kakaiba itong kondisyon.
Abdul Raman bilang Joryl Vergara
Anak ni Albert Vergara at apo ni Esmeralda. Maloko sa babae, ngunit magbabago nang makilala at ma-in love kay Raine na kapatid ni Rambo.