Forever Young: Malalaman na ni Rambo kung sino ang nagpapatay kay Gregory!
Unti-unti nang nabubunyag kay Kapitan Rambo (Euwenn Mikaell) ang lahat ng kasamaan ni Esmeralda (Eula Valdes)!
Inside link:
Sa pagtakas kina Esmeralda at Rigor (James Blanco), nalaman na ni Rambo na si Albert (Rafael Rosell) ang kanyang ama at siya ang nawawalang apo ni Eduardo (Michael De Mesa).
Ngayong Miyerkules (February 12), malalaman na rin ni Rambo kung sino ang nagpapatay sa kanyang ama-amahan na si Gregory.
Samantala, ipinakita na ni Guada (Chanda Romero) ang kuwintas ni Rambo kina Eduardo at Juday (Nadine Samonte). Nalaman na rin ni Eduardo na si Rambo ang hinahanap niyang apo.
Paano kaya maililigtas ni Eduardo si Rambo mula sa kasamaan nina Esmeralda at Rigor?
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG PAGTUGIS NINA ESMERALDA AT RIGOR KAY RAMBO SA GALLERY NA ITO: