'First Yaya' stars Sanya Lopez at Gabby Concepcion, tuloy ang pagpapakilig
Marami ang kinilig sa ibinahaging mga larawan sa Instagram ni 'First Yaya' star Sanya Lopez kasama ang ka-love team na si Gabby Concepcion.
Makikitang nakasuot ng eleganteng dress si Sanya at barong si Gabby habang hawak-hawak ang kamay ng isa't isa.
Pero hindi lang netizens ang kinilig sa mga larawang ing dalawa, maging ang iba pang cast members ng show ay napa-comment din.
Sa GMA teleserye na 'First Yaya', ginagampanan ni Sanya ang karakter ni Melody, ang yaya ng mga anak ni President Glenn Acosta, na ginagampanan naman ni Gabby. Pahiwatig ba ang post ni Sanya ng isang happy ending para kina Melody at Glenn?' Ani pa ni Sanya, "Walang iwanan."
Talagang kaabang-abang ang pagtatapos ng serye at paniguradong marami ang makaka-miss sa tambalang ito nina Sanya at Gabby.
Sama-sama nating abangan ang nalalapit na pagtatapos ng top-rating GMA primetime show ngayong Biyernes, July 2.
Samantala tignan ang gallery na ito ng First Yaya: