Gabby Concepcion, maalaga sa kanyang 'First Yaya' leading lady na si Sanya Lopez
Nakakataba raw ng puso ang pagiging maalaga ng Kapuso primetime actor na si Gabby Concepcion sa leading lady niya na si Sanya Lopez sa First Yaya.
Ibinahagi pa ng former matinee idol na certified “yayo” siya ni Sanya sa lock-in taping nang maka-chat siya sa Fun Connect online fan meeting ng GMA PinoyTV, kung saan nakabonding ng fans sa US, Canada, Europe, Middle East at Asia Pacific ang dalawa.
Ayon kay Gabby, “Nakikita kong may dala siya, ayoko na mayroon siyang dala. Ako yayo niya,”
Sabat naman ni Sanya, “Nakakahiya po talaga kasi kita niya ako bitbit ko 'yung gamit ko naka-ganun sa akin [nakasabit].
“Nakikipag-agawan si Kuya Gabby sa akin ng gamit, sabi niya, 'Ako na, ako na.'
“Tapos sabihin ko, 'Hindi puwede! Agawan kami lagi.'"
Malaki din ang pasasalamat ni Sanya na sa pamamagitan ng role niya bilang Yaya Melody, mas na-appreciate niya ang mga simple things na ginagawa ng mga kasambahay niya.
Aniya, “'Yung mga simpleng bagay lang na ginagawa nila sa amin, like for example, mas mabilis lang talaga 'yung work namin.
“Yung moment na pagod na pagod ka na, pero sila 'yung nandiyan para sa'yo. Simpleng mga bagay na ganun, pero sobrang laki ng impact para sa'yo."
Dagdag pa ng isa pang leading man ni Sanya na si Pancho Magno na marami siyang natutunan sa mga naging kasambahay nila noon.
Paliwanag ng Kapuso actor, “Happy din kami, kasi siyempre parang iba't-ibang values din 'yung naapply nila o nai-instill nila sa amin nung mga bata kami.”
SIlipin ang iba pang bida ng primetime series na First Yaya sa gallery below.