Gabby Concepcion, ipinasilip ang unang day off kasama ang 'First Yaya' stars
Ipinasilip ni Gabby Concepcion kung paano niya ginamit ang unang araw ng kanyang pahinga kasama si Sanya Lopez at ang iba pa nilang First Yaya co-stars.
Matatandaang noong November 2020 ay sumabak na sa kanilang unang lock-in taping ang cast ng First Yaya:
Para sa kanilang pagbabalik-trabaho, bumiyahe sila patungong La Union. Mapapansing kasama ang magandang tanawin at beach ng probinsya sa set ng upcoming Kapuso rom-com series:
Nakakapanibago man ang taping sa new normal, lalong ipinagtibay nito ang samahan ng First Yaya stars. At sa una nilang day off ay tuloy pa rin ang kanilang bonding.
Ani Gabby, “Day Off!!!!!!!! We all just stayed in and around the pool on our FIRST DAY OFF here in our 2nd Location! WOOOHOOOO!”
Ang First Yaya ang unang tambalan nina Gabby at Sanya.
Kabilang din sa stellar cast ng Kapuso rom-com series sina Maxine Medina, Pilar Pilapil, Pancho Magno, Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Thia Thomalla, Gardo Versoza, Sandy Andolong, Buboy Garovillo, Thou Reyes, Glenda Garcia, Analyn Barro, JD Domagoso, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Cai Cortez, Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, at Clarence Delgado.