Sanya Lopez and Gabby Concepcion spotted holding hands during 'First Lady' watch party
Naging matagumpay at nakakakilig ang pilot episode ng part two ng First Lady.
Sa naganap na watch party ng cast and crew, makikitang very comfortable ang dalawang bidang cast na sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na magka-holding hands habang pinapanood ang world premiere ng kanilang palabas noong Lunes.
Watching #FirstYayaIsNowFirstLady pic.twitter.com/lEg5SDZ8zv
-- Sanya Lopez (@sanya_lopez) February 14, 2022
Mapapanood si Gabby bilang si President Glenn Francisco Acosta at si Sanya bilang si First Lady Melody.
Ikalawang yugto ang First Lady ng high-rating 2021 GMA drama na First Yaya, kung saan unang nagkakilala sina Glenn at Melody.
Hindi rin nagpahuli sa ratings ang pilot episode ng First Lady na umere noong February 14 ayon sa NUTAM People's Ratings.
Damang-dama po namin ang pagmamahal ninyo, mga Kapuso!
-- GMA Drama (@GMADrama) February 15, 2022
Marami pong salamat sa pagsubaybay sa #FirstLady! Tuloy-tuloy lamang po ang kilig at good vibes gabi-gabi, 8:00 PM! pic.twitter.com/axDvpvmx5u
Patuloy na subaybayan ang First Lady, 8 p.m. sa GMA at 9:40 pm sa GTV.
Kilalanin ang cast ng First Lady
Tingnan ang mga upcoming GMA shows ngayong 2022