IN PHOTOS: The many faces of Boboy Garovillo in 'First Lady'
Sa 'First Yaya' pa lang ay namatay na ang karakter ni Boboy Garovillo na si Florencio, ang mapagmahal na tatay ni Melody na ginagampanaman naman ni Sanya Lopez.
Pero patuloy na napapanood ang karakter ni Boboy upang magbigay ng ilang advice sa buhay kay Melody, lalong-lalo na ngayon na First Lady na ito.
Bukod sa mga magagandang payo ni Tatay Florencio, nakatutuwa rin ang iba't ibang kasuotan niya na umaangkop sa pangyayari sa buhay ni Melody.
Halimbawa, noong nasa Maldiviano Ponte sina Melody ay biglang naging Royal Guard si Tatay Florencio. May isang pagkakataon rin naman na nagmukhang bubuyog si Tatay Florencio dahil sa kanyang suot.
Silipin sa gallery na ito ang ilan pa sa mga nakakaaliw na kasuotan ni Boboy sa 'First Lady.'
Royal Guard
Naging Royal Guard si Tatay Florencio nang pumunta sa Maldiviano Ponte sina Melody at Glenn (Gabby Concepcion) sa imbitasyon ng hari nito. Naninibago pa kasi noon si Melody sa kanyang bagong tungkulin bilang First Lady ng Pilipinas.
Simpleng babae
Payo ni Tatay Florencio, "Bago ka naging First Lady, baka nakalimutan mo na ikaw si Melody, isang simpleng yaya na nagustuhan ng presidente sa iyong pagiging totoong tao. Alam mo, sa kakaisip mo kung paano maging First Lady, baka naman nakalimutan mo na kung paano maging Melody."
Greek statue
Sa Maldiviano Ponte, naging Greek statue si Tatay Florencio. Nagkaroon kasi ng iskandalo si Melody nang tinulungan niyang tumakas ang reyna palabas ng palasyo. Dahil dito, gusto na sanang bitawan ni Melody ang pagiging First Lady at ibalik ito sa unang anak ni Glenn na si Nina (Cassy Legaspi).
'Wag mag-overthink"
Payo ni Tatay Florencio, "Minsan talaga, tayo lang din ang gumagawa ng sarili nating problema, overthinking kumbaga."
Tiger
Patuloy na sinisira ng dating First Lady na si Allegra (Isabel Rivas) si Melody, lalong-lalo na at tatakbo ito sa eleksyon upang kalabanin si Glenn sa pagka-Presidente. Nagwo-worry tuloy si Melody kung makatutulong ba talaga siya sa kampanya ni Glenn o hindi.
Lumaban 'pag tinatapakan na
Payo ni Tatay Florencio, "Wala naman mali sa pagtatanggol mo sa sarili mo, o kaya sa mga minamahal mo. Baka nakalimutan mo na, 'di ba ang tinuro ko sa inyo noon, huwag na huwag kang makikipag-away pero 'pag tinatapakan ka na, kailangan lumaban ka."
Araw
Naging araw si Tatay Florencio sa kaarawan ni Melody upang kumustahin ito bago ang kanyang party. Tinanong ni Tatay Florencio si Melody kung sinu-sino ang kanyang inimbitahan at sumagot ito na ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Noong mga panahong iyon ay kaibigan pa ang turing ni Melody kay Ingrid (Alice Dixson) dahil hindi niya pa alam na ex-girlfriend ito ni Glenn.
Siguradong kaibigan
Payo ni Tatay Florencio, "Sigurado ka bang mga kaibigan mo ang naimbitahan mo? Alam mo naman ngayon, napakahirap nang maghanap ng mga totoong kaibigan. Malay mo, masaktan ka pa nila balang araw."
Hari
Nagiging mabuting kaibigan ni Nanay Edna ang kanyang guard na si Ramil kaya naman nagbihis bilang Hari si Tatay Florencio sa pakikipagkita niya kay Melody upang ipaalala sa kanya na siya lang ang "naghahari" sa puso sa Nanay Edna.
Nasaktuhan rin ni Tatay Florencio na malungkot si Melody dahil kinailangan niyang isara ang First Lady Help Center dahil nakakaapekto ito sa kandidatura ni Glenn.
Chess
Payo ni Tatay Florencio, "So, nakakatulong ka kay Glenn sa pamamagitan ng hindi pagtulong sa ibang tao, at ang pagsara mo ng help center ang paraan mo para makasuporta kay Glenn? Sa larong chess, mas malaki ang chance na manalo ang king kung magaling ang reyna."
Mga cismosang kapitbahay
Naging mga chismosang kapitbahay si Tatay Florencio nang dumating sa punto na nagdududa na si Melody sa totoong relasyon nina Glenn at Ingrid dahil alam na niyang mag-ex sila.
Acceptance
Payo ni Tatay Florencio, "Ayaw mag-isip ng masama, hindi ka naman mapakali. Aminin mo na kasi na duda ka kasi alam mong mag-ex sila."
Bubuyog
Naayos na ang gusot sa pagitan nina Melody at Glenn tungkol sa relasyon ng huli kay Ingrid ngunit hindi maiwasang magselos ni Melody tuwing magkasama sina Glenn at Ingrid.
Tiwala
Payo ni Tatay Florencio, "Anak, 'wag ka nang kabahan dahil kahit gaano pang lapit ni Ingrid d'yan kay Glenn, nagmimistulang cellphone lang na walang signal si Glenn. Cannot be reached si Glenn."
Construction worker
Nang mabuntis si Melody, naging construction worker si Tatay Florencio para i-decorate ang magiging kuwarto ng apo niya. Wala mang advice na binigay ni Tatay Florencio, natuwa naman siya dahil gustong ipangalan ni Melody ang kanilang magiging anak sa kanya kapag babae ito.
Judge
Naging hukom si Tatay Florencio at hinatulan niyang guilty si Melody dahil patuloy niyang iniisip na kasalanan niya kung bakit siya nagkaroon ng false pregnancy.
Huwag mawalan ng pag-asa
Payo ni Tatay Florencio, "Anak, okay lang na malungkot ka. Alam ko matagal n'yo nang hinahangad ni Glenn na magka-anak pero huwag mo namang sisihin sarili mo. E, ito ngang si Glenn e, hindi nga niya ikaw sinisisi. Tingnan mo, nagpa-party pa nga siya para sa anniversary n'yo. Okay lang naman na malungkot ka pero dapat hindi ka mawalan ng pag-asa."
Orasan
Nang magpa-check up sina Melody at Glenn sa doctor, nalaman nila na mayroong PCOS si Melody kaya mahihirapan itong magbuntis. Bukod rito, pakiramdam din ni Melody na paunti-unti nang lumalayo ang loob sa kanya ng magkakapatid na Nina, Nathan (Clarence Delgado), at Nicole kaya naman nagpakita si Tatay Florencio sa kanya bilang orasan.
Huwag magmadali
Payo ni Tatay Florencio, "Ang keyword doon, mahihirapan hindi imposible kaya ang ibig sabihin kahit gaano kaliit ang probability, may chance pa rin at puwedeng mangyari. Ang ibig sabihin, hindi ka nauubusan ng oras, nagmamadali ka lang."
Proud
Saad ni Tatay Florencio, "Dahil sa'yo, mawawala na ang problema [ni Nicole] at dahil sa'yo, gagaling na ang paa niya. At higit sa lahat, dahil sa'yo, magiging masaya ang puso niya."