
Matatapos ang taon na masaya para sa mga Pinoy fans ng Thai star na si Nadech Kugimiya dahil nag-iwan ng isang sweet na mensahe at pagbati ang Finding Love star sa kanila.
Sa video na naka-post sa GMA The Heart of Asia Facebook page, binati ng aktor ang kaniyang mga fans ng happy new year at hiniling na sana ay masaya ang mga ito at maging maligaya ang kanilang bagong taon. Hinangad din ni Nadech na matupad lahat ng hiling ng kaniyang mga tagahanga.
Labis naman ang kilig at saya ng Pinoy fans sa pagbati ng Thai actor. Si Christel Joy Amor, hindi mapigilang purihin ang kagwapuhan ng aktor at humingi rin ng pagbati mula sa real-life girlfriend ng aktor na si Yaya Sperbund.
Samantala, si Marieta Cainguitan de Leon, Imelda C. Ramirez, at Tricia Naya Bajamundi naman ay nagpasalamat sa aktor at binati rin ito ng happy new year.
Si Mavic Cacho naman ay hindi maiwasang batiin ang kagwapuhan ng aktor.
Si Vicky Calubayan naman at Ian Tundag ay na-charm naman sa paggamit ni Nadech ng English.
Panoorin ang Finding Love at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Tingnan ang mga adorable photos ni Nadech Kugimiya sa gallery na ito.