Kristoffer Martin, inaming natakot sa estado ng career; itinangging itinago ang anak na si Pré noon
Nilinaw ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin kay Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda na hindi niya naman itinago ang kanilang anak ni AC Banzon na si Precious Christine o Pré noong ipinanganak ito.
Aminado si Kristoffer na natakot siya dati para sa kanyang career nang malaman niya na magkakaroon na sila ng anak ng girlfriend pa lamang niya noon na si AC.
Kuwento niya, “Tito Boy hindi namin itinago naman parang for me ang pinag-usapan kasi namin ni AC noon, 'Andiyan na,' e, bata pa po kami hindi pa po kami kasal. So ang unang-unang pumasok sa isip ko bilang artista, 'Paano 'yung career ko?'”
Agad namang nilinaw ni Boy ang pahayag ni Kristoffer, “Paano ang career mo na ang ibig sabihin kapag nalaman ng tao na may anak ka, mababawasan yung…”
“'Yung projects ganun, 'yun 'yung mga initial [na iniisip] namin, buntis pa lang po [si AC],” sundot na sagot naman ni Kristoffer.
Paliwanag pa niya, “Hindi naman namin tinago kasi noong lumabas naman si Pré noong lumaki na, lumalabas kami as a family.
“Ang number one rule ko po noon, kapag may nakakita sa amin, kapag may nagtanong, 'Anak niyo po 'yan?' sasabihin ko, 'Opo,' so hindi ko siya tinago, hindi ko lang po siya pinublic.”
January 2021 nang emosyonal na aminin ni Kristoffer sa isang panayam sa 24 Oras na isa na siyang ama.
Matapos naman ang ilang taon na relasyon bilang magkasintahan, ikinasal sina Kristoffer at AC sa isang civil wedding ceremony sa Tarlac noong February 2022.
Samantala, mapapanood naman si Kristoffer sa mega serye na Mga Lihim ni Urduja, gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG SWEET FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA KRISTOFFER MARTIN AT PRECIOUS CHRISTINE SA GALLERY NA ITO: