Arra San Agustin at PBA player na si Juami Tiongson, hiwalay na
Naging bukas ang Kapuso actress na si Arra San Agustin sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon kung saan inamin niya sa TV host na si Boy Abunda na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend at PBA player na si Juami Tiongson.
Matatandaan na naging date pa ni Arra si Juami sa first-ever GMA Thanksgiving Gala sa Taguig noong nakaraang taon.
Ayon kay Arra, October 2022 pa lamang ay hiwalay na sila ni Juami at nito lamang January 2023 opisyal na natapos ang kanilang relasyon.
Kuwento niya, “We broke up last year around October and then last talk namin was first week of January that's when we really cleared things out. Kasi 'di ba kapag nagbe-break naman kayo you go back and forth pa rin.”
Aminado si Arra na labis siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Juami na inilarawan niya bilang isang “perfect” guy.
Aniya, “It was painful in a sense na sa sarili ko naisip ko na, 'I can no longer find another man who is exactly like him,' Because he is my standard now. He's a good guy, his family is good. He is perfect.”
Paglalahad pa ng aktres, taong 2021 nagsimula silang magkaroon ng problema ni Juami na naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng kanilang relasyon.
“Masyado kaming nagkaroon ng problema noong last [last] year around 2021 buong year 'yun parang 'yung feelings nababawasan.
“Masyado kaming naging too comfortable na in four years of my life parang lagi lang kaming nasa house ganyan parang wala nang masyadong growth,” sabi ni Arra.
Dagdag pa niya, “Grateful talaga ako doon [sa naging relationship namin] pero lalo na sa trabaho ko parang I need to be proactive so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa 'yung ibang mga gusto kong gawin.”
Nang tanungin ni Boy kung ano ang natutunan niya sa relasyon na ito, “Unahin ko pa rin 'yung sarili ko dapat,” sagot ni Arra.
“Pero kumusta ang lagay ng puso mo ngayon?” muling tanong ni Boy.
Dito naman inamin ni Arra na hindi niya alam kung nasaang estado ang puso niya ngayon.
Aniya, “To be honest I'm lost. Hindi ko ma-pinpoint kung nasaan ba ako ngayon. Like I tried to ask myself, 'How do you feel?' I'm lost e, I'm confused…In the context of a relationship.”
Samantala, mapapanood naman si Arra sa mega serye na Mga Lihim ni Urduja, gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN SA GALLERY NA ITO: