Althea Ablan inaming inspirasyon nila ni Prince Clemente ang isa't isa
Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ng AraBella actress na si Althea Ablan sa kaniyang pagsalang sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, February 21.
Sa segment na “Fast Talk,” hindi nakaligtas si Althea sa mga tanong ni King of Talk na si Boy Abunda na may kinalaman sa kaniyang kaibigan at Kapuso actor na si Prince Clemente.
“Pinaka-nakakakilig na ginawa ni Prince para sa'yo?,” tanong ni Boy.
Sagot ni Althea, “Basta Tito Boy every time na sinu-surprise niya ako.”
Dahil kapansin-pansin ang closeness ng dalawa sa mga larawan nila sa social media at ang ginawang pagpapagawa ng billboard noon ni Prince para sa 18th birthday ni Althea, inusisa ni Boy ang real status ng relasyon ng dalawa.
Tanong ni Boy kay Althea, “Nasaan kayo ngayon? At what stage are you in?”
Saglit naman na napatigil at napaisip ang teen actress, at masayang sinabi na, “Basta Tito Boy, nasa stage kami na same kaming happy and nandiyan kami sa isa't isa to inspire [each other].”
Sumang-ayon naman dito ang batikang host. “Stay happy and continue to inspire each other,” ani Boy.
Samantala, nakatakdang muling mapanood sa GMA Afternoon Prime si Althea sa bagong serye na AraBella kung saan makakasama niya si Shayne Sava at ang nagbabalik-drama na si Camille Prats.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG BARBIE-INSPIRED PRE-DEBUT PHOTOS NI ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO: