Vilma Santos
TV

Vilma Santos, umamin na nabaliw noon sa pag-ibig

By Aimee Anoc
"Marami," pag-amin ng 'Star for all Seasons' na si Vilma Santos kung naranasan na rin ba niya noong mabaliw sa pag-ibig.

Inamin ng 'Star for all Seasons' na si Vilma Santos na naranasan na rin niya noon na mabaliw sa pag-ibig.

Sa pagharap niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes, February 14, diretsahang sinagot ni Ate Vi ang tanong ng batikang host na si Boy Abunda kung napagdaanan na rin ba niyang lumaban ng tulad sa mga linya niya mula sa pelikulang Palimos ng Pag-ibig: "Mahal kita at 'yan ang hindi ko kayang maihati sa iba pero kung ganitong niloloko mo lang ako, kaya kitang palitan kahit sampung lalaki."

Para kay Ate Vi, ibinibigay niya ang kanyang isang daang porsyento kapag nasa isang relasyon kaya naman "'pag anuman ang mangyari at hindi tayo natuloy o naghiwalay tayo 'it's your loss not mine.'"

Pag-amin ng 'Star for all Seasons,' naranasan na rin niya noon na mabaliw sa pag-ibig.

"Marami," mabilis na sagot ni Ate Vi.

"Ayan na naman, me and my big mouth," natatawang sabi niya.

Dagdag ni Ate Vi, "Nakaranas na...Sino naman ang hindi 'di ba?"

Sunod na tanong ni Boy Abunda sa 'Star for all Seasons' kung sa personal na buhay ay may nasabihan na rin ba siya na, "Ano ba bigay lang ako ng bigay, take ka lang ng take?"

Ayon kay Ate Vi, hindi puwede sa kanya ang ganitong sitwasyon. Paliwanag niya, "I am very confrontational. Ako kasi 'yung magko-confront and I tell you 'sobra ka na. Hindi pupuwede, bakit laging ako. Hindi pupuwede, kailangan pareho tayo.

"I mean, it takes two to make this relationship really successful or maganda. Dapat tayong dalawa, hindi puwedeng ako. So, hindi ko hahayaan na puro ako, iko-confront kita.

Naniniwala rin ang 'Star for All Seasons' na "Dapat fair. Dapat fair ang relationship. I will give my share but you have to give your share too."

Ibinahagi ni Ate Vi na kahit na "financially comfortable" siya ay binibigyan pa rin siya ng allowance ng asawa niyang si Batangas 6th District Representative Ralph Recto.

Photo by: rosavilmasantosrecto (IG)

"Si Ralph ang asawa ko, may allowance ako riyan. Kailangan 'yung pang-maintain ng bahay it's your obligation as the husband, para sa maintenance ng bahay. Hindi 'yung porke't may pera ako, ako [magbabayad].

"No, as the husband, it's your responsibility na asikasuhin ang maintenance ng bahay. Ako ngayon ang mag-aasikaso ng marketing. Ganu'n pa rin 'yung relationship namin," kuwento niya.

Sang-ayon din ang Star for all Seasons na dapat pinag-uusapan din ang pera ng mag-asawa o magkarelasyon.

"Basta I make sure na 'yung akin ay nasa akin at 'yung nasa kanya ay nasa akin," pagbibirong sabi nito.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m., sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.