GMA Logo Barbie Forteza, David Licauco, Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

David Licauco, liligawan si Barbie Forteza kung naging single ito?

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, David Licauco, Fast Talk with Boy Abunda


Tambalang FiLay nina David Licauco at Barbie Forteza posible nga bang tumulay sa next level ng pagpapakilig?

Matatamis na palitan ng “Yes” ang isinagot ng breakout loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa posibleng ligawan sa pagitan ng isa't isa ngayong mas lumalalim pa ang samahan ng kanilang tambalan.

Sa episode ng naturang programa ngayong Lunes, February 6, game na game na sumalang sina Barbie at David o mas kilala ngayon bilang Team FiLay sa “The Talk” interview kasama ang batikang host na si Boy Abunda.

Isa sa mga hindi pinalampas na tanong ni Boy ay tungkol sa posibleng panliligaw ni David kay Barbie kung sakaling hindi ito "in a relationship" sa kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto.

Tanong ni Boy kay David, “Halimbawa lamang David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo siya?”

“I like smart and go getter na babae,” sagot ni David.

“So, no?” birong hirit ni Barbie.

“I like cute girls, simple lang,” nakangiting sinabi ni David.

Paglilinaw na tanong ni Boy, “Is it a yes or no?”

“Ganun si Barbie, so, yes,” mabilis naman na sagot ng aktor.

Matapos ito, hindi naman nakaligtas si Barbie sa tanong ni Boy tungkol sa “panliligaw” ni David.

“Jak if you are watching, biro lamang ito,” paumanhin ni Boy sa boyfriend ni Barbie na si Jak.

Patuloy ni Boy, “Barbie ikaw, kung wala si Jak, sasagutin mo si David? Knowing what you know about him now.”

Agad naman na sumagot ang aktres. Aniya, “Siguro kapag nakilala ko siya deeper, kapag naging close siya sa family ko and all basta 'yung talagang kapag nalaman ko kung paano siya manligaw, maybe I'll have an answer then.

“But now, we're really good friends, so, yes.”

Samantala, subaybayan sina Barbie at Fidel sa huling dalawang linggo ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, weeknights sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.