GMA Logo Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

'Fast Talk with Boy Abunda' mapapanood sa bagong oras simula ngayong Lunes

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2023 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lacson amenable to DOJ's request to take ex-DPWH exec Alcantara into custody 
Devotees from quake-struck Northern Cebu join Fiesta SeƱor
In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Fast Talk with Boy Abunda


Mapapanood ang 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'Underage' sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes.

Bilang tugon sa demand ng Kapuso viewers, mapapanood na sa bagong timeslot ang trending showbiz talk show ng GMA na Fast Talk with Boy Abunda simula ngayong Lunes, February 6.

Mula sa dati nitong oras na 4:05 ng hapon, ngayon ay mapapanood na ang naturang programa simula 4:50 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Underage sa GMA Afternoon Prime.

Mas swak na ang oras na ito upang tumutok sa mainit na showbiz balita, at spicy revelations ng mga artista sa kanilang interview kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa pagsisimula ng programa sa bago nitong oras ngayong Lunes, espesyal din ang makakapanayam ni Boy dahil makakasama niya for the first time ang breakout loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco o mas kilala ngayon bilang Team FiLay mula sa kanilang mga karakter na Klay at Fidel sa pinag-uusapang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ano kaya ang mga rebelasyon na ihahatid nina Barbie at David? 'Yan ang dapat abangan mamaya.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. na sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.