
Tiniyak ng batikang aktres na si Dina Bonnevie sa Fast Talk with Boy Abunda na wala silang alitan ng aktres na si Pauleen Luna na asawa ngayon ng kanyang ex-husband na si Vic Sotto.
Sa panayam ni Dina sa kanyang kaibigan at dating manager na si Boy Abunda sa nasabing programa, isa sa kanilang napag-usapan ay ang kanyang viral video kung saan mapapanood na tila tumanggi ito sa imbitasyon na makipag-usap kay Pauleen.
Nilinaw naman ni Dina ang totoong saloobin sa nasabing video. Aniya, “Hindi siguro that time kasi when she asked, 'Anong pag-uusapan namin? We're going to talk about Vic?' Ayokong makialam sa relationships ni Vic.”
Paglilinaw pa niya, maayos ang estado ng relasyon nila ni Pauleen. Sa katunayan, natutuwa nga raw siya sa pagiging magalang ni Pauleen sa tuwing sila ay magkikita.
“Actually Pauleen and I are okay. We see each other in a lot of family gatherings, mga birthday ng mga anak ni Danica [Sotto-Pingris], mga birthday ng mga anak ni Oyo [Sotto] and she is okay. She comes to me and she says, 'Mama D, magbibigay pugay lang po, this is my daughter, pinakilala niya yung daughter niya.'
“And you know, I thought na, 'Wow it's really nice of her to have come to our table and introduce herself,” ani Dina.
Pagtitiyak pa ng batikang aktres, walang kaso sa kanya kung gusto siyang makausap ni Pauleen dahil wala naman silang alitan.
“But you know, if she wants to talk to me, fine, I don't mind. Wala naman kaming angst ni Pauleen,” sabi ni Dina.
Paglalahad pa niya, masaya siya na hindi nilalayo ni Pauleen si Vic sa kanilang mga anak.
Aniya, “Isa pa ang gusto ko sa kanya [Pauleen Luna], she really makes it to a point na my children spend time with their dad [Vic Sotto]. Hindi niya nilalayo.”
Si Dina ay ang dating asawa ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto. Mayroon silang dalawang anak na sina Danica at Oyo, na kapwa may sariling pamilya na rin ngayon.
Ngayon ay kasal na si Vic sa aktres na si Pauleen at biniyayan na rin sila ng anak na babae na si Tali.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
LOOK: DINA BONNEVIE AND HER AGELESS BEAUTY: