Alden Richards reveals feeling burned out: 'Wala na po akong identity'
Matapang at puno ng emosyon na inamin ng Kapuso actor na si Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda na dumating na rin siya sa puntong napagod na sa lahat ng demands at pressure na kaakibat ng tinatamo niyang kasikatan.
Sa January 25 episode ng programa, madamdamin ang naging panayam ng Asia's Multimedia Star na si Alden kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.
Dito ay ibinahagi ni Alden na minsan na rin siyang napagod at nakaramdam ng burnout dahil sa trabaho bilang artista.
Aniya, “'Pag celebrity ka, you always cater to what people want… especially sa lahat ng feedback sa 'yo, pinakikinggan mo to appease them [at] para mabigay 'yung gusto nila. At a certain point, nakakapagod din pala siya.”
Ayon pa kay Alden, naramdaman niya na tila nawalan na siya ng identity dahil sa pressure ng kaniyang kasikatan.
“Dumating din ako sa point when I was really burned out from all these demands and things that people want from me…. wala na po akong identity,” pag-amin ni Alden.
Maituturing na isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon sa si Alden. Bukod pa rito, isa rin siya sa mga in-demand celebrity endorsers at bankable artist sa show business.
Kamakailan ay bumida si Alden sa Filipino adaptation ng GMA ng hit Korean series na Start-Up PH, kung saan nakatambal niya ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo.
Samantala, mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: