Rhian Ramos, sa mga naging pagsubok sa showbiz: 'I really wanted to give up'
Naging emosyonal si Rhian Ramos nang makakuwentuhan niya si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 31.
Ilan lamang sa kanilang mga napagkuwentuhan ay ang highlights at mga pagsubok sa karera ni Rhian, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.
Ani Rhian, “I was young, so I was really affected. I felt so alone, and I really wanted to give up.”
Ito rin umano ang isa sa mga dahilan ng kaniyang “self-hate” noon at ilang mgapagkakataon na nais niya nang sumuko.
Kuwento ng aktres, “There were two years of my life na parang when I say I wanted to give up, I'm not talking about showbiz; I'm talking about, you know, life as I knew it.”
Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanan ay sinabi ni Rhian na nadiskubre niya ang tunay na sarili, na malaking kaibahan umano sa kaniyang pag-iisip noon.
“In earlier years of my life, na-fi-feel ko, minsan, 'yung parang hindi ko gusto 'yung sarili ko, hindi ko mahal 'yung sarili ko, [at] 'yung lagi kong iniisip,'Bakit ako ganoon? I'm so unlikeable.' Ang dami kong self-hate,” kuwento ni Rhian.
Dagdag pa niya, "Na-let go ko na lahat 'yun. I think I've dealt with so many of my traumas and my issues already na whoever I am now, I love myself, I support myself, [and] I'm proud of myself.”
Bukod sa namamayagpag na karera ay nasa magandang estado rin ang love life ni Rhian Ramos ngayon, “I can see myself really taking care of this partnership and doing life with this person.”
Balikan ang makabuluhan at emosyonal na pag-uusap nina Rhian at Tito Boy sa gallery na ito:
Best year
Mabilis na nagbalik-tanaw si Rhian sa kaniyang tagal sa industriya at sinabing nasa “best years” daw siya ng kaniyang karera ngayon. Aniya, “I really feel like I'm living the best years of my career right now kasi I've been getting some challenging roles, so it's definitely not boring. 'Yung parang na-cha-challenge pa rin ako at nahihirapan.”
Self love
Masaya ring binahagi ni Rhian Ramos na nasa magandang estado ito ngayon sa kaniyang sarili at sinabing may bago itong natagpuan sa kaniyang pagkatao.
Ani Rhian, “I've really discovered a new confidence about myself, where I accept myself. I'm unapologetic about it. I'm not perfect, but I like everything about myself.”
Highlights
Nang pag-usapan ang highlights ng showbiz career, sinabi ni Rhian Ramos na ilan lamang sa mga hindi nitong makakalimutang proyekto dahil sa mga lessons na nakuha niya ay ang Captain Barbell, LaLola, Stairway To Heaven, The Rich Man's Daughter, at Royal Blood.
Lowest point
Sa kabila ng matayog na karera ni Rhian Ramos, inamin niyang mayroong mgapagkakataon na binalot siya ng challenges at intriga.
“There were times na ang dami, dami, dami talagan intriga that [were] going around about me, and I couldn't understand. I think this is like the third or fourth year of my career, and also I was young, so I was really affected,” saad ni Rhian.
Never give up
Emosyunal si Rhian Ramos nang balikan niya ang pinakamabigat na taon niya sa showbiz, na nalampasan na niya ngayon. Anyia, “I'm so glad na, can you believe, I'm here at this point na I found it in myself to come back after a couple of years where I felt healed na.”
Healing
Paglilinaw naman ni Rhian Ramos, hindi raw naging madali ang kaniyang journey healing, “It wasn't an instant turn. It happened over a period of time. Sometimes it gets better and then it comes in waves. Until it just became smaller waves.”
Turning point
Bagamat maraming pinagdaanang pagsubok, nakatatak pa rin daw kay Rhian Ramos ang araw na na-realize niyang “okay” na siya.
“I was dancing alone, and I stopped, and I was, 'I think I'm okay.' And parang nagulat ako sa sarili ko because for a good two years, I thought I would never be okay. I thought I wouldn't find that anymore,” kuwento ng aktres.
Young Rhian
Kung bibigyan naman daw ni Rhian Ramos ng advice ang kaniyang younger self, “The amount of power that someone has over you is only equivalent to the amount that you give it.”
Sinagtala
Ngayong Abril, patuloy ang pagyabong ng karera ni Rhian Ramos kasabay ng paparating nitong pelikula na Sinagtala. Sabi ng aktres, “I think it's important for people to watch kasi may isang band member diyan na ikaw 'yun. Iba't iba 'yung mga pinagdadaanan namin and it's an inspirational story.”
Dream come true
Dream come true daw kay Rhian ang role sa Sinagtala bilang June. Nag-drum lessons pa raw siya upang magampanan nang mabuti ang kaniyang karakter.
Marriage
Sa usaping love life naman, bukas na ikinwento ni Rhian Ramos kung bakit hindi siya naniniwala sa kasal noon.
Aniya, “Hiwalay 'yung parents ko, so parang for a long time naisip ko talaga na nothing lasts forever.”
Change
Sa ngayon, iba na raw ang paniniwala ni Rhian Ramos sa kasal dahil sa kaniyang nobyo, “The more I get to know him, talagang everyday I learn something new, I experience something new, and I'm never bored because kakaiba, e.
Relationship
Masaya ring ibinahagi ni Rhian Ramos ang kaniyang dynamics sa nobyong si Sam Verzosa, “We have a very equal partnership talaga, e. And he's given me so much respect and trust.I've noticed I've become a better, more mature person, [and] more patient.”
Future Self
“I want to say for never giving up, and I'm proud of you. Whether all my dreams come true or not, I know that she lived that life na nagtiwala sa plano ng Diyos and she gave God the control. So good job, Rhian of the future!”
Ito naman ang mensahe ni Rhian Ramos sa kaniyang future self.