Lianne Valentin, Yasser Marta, ready na ba sa mas daring roles?
Isa sa mga kilalang hot and sexy Kapuso stars sa showbiz sina Lianne Valentin at Yasser Marta. Mula sa iconic daring roles hanggang sa fashion runway, tila marami ang naakit sa kanilang fit body at charming visuals.
Pero sa likod ng kanilang bold at confident looks, marami pa ring pagsubok at insecurities ang hinarap ng dalawa.
Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda, nagkwento ang My Ilonggo Girl stars tungkol sa pagiging model at artista.
Marami rin ang naintriga sa mga katanungan ni Tito Boy katulad ng pagsabak sa mas daring roles on camera.
Balikan ang panayam nina Lianne Valentin at Yasser Marta sa gallery na ito.
Daring roles
Puno ng maintrigang tanong ang panayam nina Lianne Valentin at Yasser Marta sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (March 20). Umpisa pa lang ng programa, tinanong ni Boy Abunda ang dalawang stars kung handa na ba sila sa mas daring roles katulad ng frontal nudity. Ang sagot ni Lianne ay hindi dahil alam niyang hindi pa siya handa, lalo na physically. Para naman kay Yasser, ready siya sa ganitong projects bilang aktor. Dagdag niya, "Sa tagal ko rin naman dito sa GMA, parang wala pa naman akong tinatanggihan. Go lang ng go."
Confidence
Bilang isang model naman, inamin ni Yasser Marta na naranasan niya ma-insecure sa kanyang hairy body. Pero natutunan niyang mahalin ang kanyang katawan nang nagustuhan ito ng publiko, mula sa social media hanggang sa kilalang brands.
Beauty pageants
Sa usapang beauty pageants, naisipan na raw ni Lianne Valentin na subukan ito. Marami rin ang nais makita siya lumaban sa mga ganitong kompetisyon dahil sa kanyang ganda at talino. Pag-iisipan pa ni Lianne kung susubbok na siya, lalo at nakapagtapos na siya ng pag-aaral.
Model
Minsan, hindi maiiwasan ng isang modelo na magpakita ng katawan sa harap ng kamera at sa runway. Bilang propesyonal, game na game naman sina Lianne Valentin at Yasser Marta na magpakita ng skin o magsuot ng daring outfits. Parehas nilang inisip na "Bigay sa akin ito ng Panginoon. Kung saan ako dalhin, ito nangyari sa akin, ito ginagawa ko, 100% binibigay ko naman ang lahat."
Indecent proposals
Inamin nina Lianne Valentin at Yasser Marta na naranasan na nilang makatanggap ng indecent proposals. Madalas daw ito sa kanilang social media, kung saan marami ang nagme-message sa kanila na gawin ang mga masasagwang bagay kapalit ng kotse, bahay, o pera.
Crush
Nilinaw ni Yasser Marta na biro lang ang kanyang sinabi sa Lutong Bahay kung saan binanggit niya na meron siyang hinihintay na tao na maging single muli. Ani Yasser, crush niya lang kasi ito at natutuwa siya sa masayang relationship ng kanyang crush.
Love life
Masaya rin naman daw si Lianne Valentin sa kanyang love life ngayon. Puno ng suporta raw ang kanilang relasyon, lalo na naiintindihan nila ang dedikasyon sa kani-kanilang career.
John Lloyd Cruz
Pagdating sa man crush, pinili ni Yasser Marta ang Filipino actor na si John Lloyd Cruz. Simula pa raw noong bata siya, pinapanood na ni Yasser si John Lloyd sa iba't ibang television series.
Anxiety
Sa huli ng kanilang panayam, inamin nina Lianne Valentin at Yasser Marta na nakakaranas sila ng separation anxiety sa tuwing natatapos nila ang isang serye. Kailangan pa raw nila "magpagpag" sa tuwing hihiwalay na sila sa kanilang role. Kaya naman hindi raw malilimutan ng dalawang stars ang pamilya at saya na naranasan nila sa My Ilonggo Girl.