Derrick Monasterio at Royce Cabrera, nakatanggap ng indecent proposals
Nagbabalik serye ang Kapuso actors na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera sa nakakapanabik na murder-mystery series na SLAY.
Ngayong Huwebes, March 13, sa Fast Talk With Boy Abunda, pinag-usapan nina Derrick at Royce ang kanilang sexy image bilang mga aktor.
Balikan ang panayam nina Derrick at Royce sa gallery na ito:
Sexy
Ang depinisyon ng 'sexy' para sa SLAY stars na sina Derrick Monasterio at Royce Cabrera ay ang pagkakaroon ng stability at disiplina sa buhay.
Exercise
Ikinuwento nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera na halos araw-araw sila nagwo-workout. Nabanggit ng mga Kapuso stars na may kinalaman ang fitness, pagiging healthy, babae, at ang kanilang trabaho para i-maintain ang kanilang magandang katawan.
Inspiration
Inamin nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera na kapag nakakakita sila ng isang tao na may magandang katawan kahit ano pa ang gender nito, sila ay na-iinspire.
“For me, inaalagaan nila yung katawan nila, so ibig sabihin ganoon nila bina-value yung sarili nila," sabi ni Derrick.
White Sando Trend
Kamakailan lamang, sumikat ang white sando trend. Inamin nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera na marami silang sando pictures at hindi na kailangan pang gumamit ng AI para makasali sa trend na ito.
Nagpakitang gilas din ang mga aktor dahil ipinakita nila ang kanilang mga sexy na katawan.
Bashers
Inamin nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera na may mga taong nagsabi na sa kanila na puro lamang sila pa-sexy. Ngunit, hindi na raw sila naaapektuhan sa mga bashers.
Paliwanag ni Derrick, "Iniisip ko na lang na wala namang alam yung mga taong 'yun sa buhay ko and 'yung mga napagdaanan ko at yung mga napag-aralan ko."
Indecent Proposal
Ikinuwento nina Derrick Monasterio at Royce Cabrera na nakatanggap na sila ng indecent proposals. Isa sa mga ito ay mula sa isang taong parte ng LGBTQIA+ community na nag-alok kay Royce ng milyon-milyong halaga. Samantalang, si Derrick naman ay nakatanggap ng proposal sa pamamagitan ng isang text message.
Fast Talk
Sa Fast Talk segment, nabanggit ni Derrick Monasterio na lima ang niligawan niya sa showbiz. Samantalang, inamin ni Royce Cabrera na nagkaroon na siya ng feelings sa kaniyang co-star.
Marriage
Sa usapang kasalan, para kina Derrick Monasterio at Royce Cabrera, ang tamang edad para magpakasal ay nasa kanilang 30s.