Lexi Gonzales at Gil Cuerva, secure sa kanilang relasyon
Ang Kapuso couple na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva ay nagbahagi ng ilang detalye at mga kuwento tungkol sa kanilang relasyon.
Sina Lexi at Gil ay unang nagkakilala sa GMA lifestyle show na 'Taste Buddies' at naging magkarelasyon sa gitna ng COVID-19.
Alamin ang kanilang dynamics bilang celebrity couple sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Lexi Gonzales and Gil Cuerva
Happy at in love ang celebrity couple na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva.
Love story
Ngayong love month, ibinahagi nina Lexi Gonzales at Gil Cuerva ang kuwento ng kanilang relasyon. Kasama na rito ang kanilang first impressions, dynamics bilang magkarelasyon, at pagbabahagi ng kanilang kuwento sa social media.
Privacy
Inamin nina Lexi Gonzales at Gil Cuerva na pinili nilang maging pribado ang detalye ng kanilang relasyon sa social media.
Ani Lexi, "We don't have to share it...Sometimes nagtataka sila, like kayo pa ba?"
Career
Priority nina Lexi Gonzales at Gil Cuerva ang kanilang mga career. Saad ni Lexi, "Ang motto namin, work first."
Travel
Gusto naman ni Gil Cuerva na mag-travel kasama ang kaniyang girlfriend na si Lexi.
"Out of the country. I believe life is too short to be spending it all in one place."
First impression
Inamin ni Lexi Gonzales na inakala niyang suplado noon si Gil. Kuwento ni Lexi, "Akala ko noong una suplado siya since he's kind of conyo. Akala ko hindi kami magki-click."