Beauty Gonzalez, napatawad na raw ang kanyang ina
Babalik si Beauty Gonzalez bilang si Gloria Reynaldo sa ikatlong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Maraming Kapuso ang tumangkilik sa karakter ni Beauty bilang isang selosa, istrikto, ngunit mapagmahal na asawa at ina sa pamilya nila ni Tolome (Bong Revilla Jr.).
Ngunit sa tunay na buhay, malaking kabaliktaran ng karakter ni Beauty sa palabas. Sa halip na may mga katangiang selosa at istrikto, kilala bilang isang masayahin at maalalahaning misis ang Kapuso star. Sa katunayan, siya at ang kanyang asawa na si Norman Crisologo ay kilalang sweet couple na open sa isa't isa. Naiintindihan daw nila ang kanilang opinyon at pag-iisip kahit pa may malaking agwat sa kanilang edad.
Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Beauty ang kanyang buhay bilang misis at kung paano siya nahubog bilang isang mapagmahal na asawa.
Balikan ang mga highlight ng panayam ni Beauty Gonzalez sa gallery na ito:
Beauty Gonzalez
Babalik bilang si Gloria Reynaldo ang Kapuso aktres na si Beauty Gonzalez sa bagong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Kuwento niya, maraming dapat abangan sa ikatlong season ng serye dahil mas may aksyon, comedy, at focused sa kanilang pamilya ang istorya nito.
Grateful
Labis ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa suporta ng mga Kapuso sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Dahil sa pagtangkilik ng fans, nanalo pa siya at si Bong Revilla Jr. ng Best Comedy Actress and Best Comedy Actor of the Year sa Box Office Awards 2024.
Opposite
Nilinaw ni Beauty Gonzalez na kabaliktaran ang ugali niya bilang misis sa kanyang karakter na si Gloria Reynaldo. “Oh, my God, I'm so relax. I'm very opposite of Gloria. I'm not matinik, I'm very relaxed lang 'cause a strict wife has a sneaky husband. Ganu'n din naman siya sa akin which is a healthy relationship,” sabi niya.
Relationship
Ang sikreto nina Beauty Gonzalez at Norman Crisologo sa kanilang masayang relasyon ay maayos na komunikasyon. Ramdaman din niya ang seguridad at pagmamahal ni Norman sa kanilang relasyon.
Age difference
Kahit malaki ang agwat ng edad nina Beauty Gonzalez at Norman Crisologo, madali raw maunawaan nila ang isa't isa. Ayon nga kay Beauty, turing nilang right timing ang kanilang relasyon. “Right timing kasi if I've met him years ago and hindi ganu'n 'yung age namin, ang dami niyang girls. Pero ngayon, sakto 'yung timing ng pagkakilala namin. I want more security, he gave me that. I want more support, he gives me also that. So parang all-in-one. I think it's the right timing and lucky, we just feel lucky," kwento niya.
Mother
Matatandaang inamin ni Beauty Gonzalez na hindi maganda ang relasyon niya sa kanyang ina na si Carina Luche. Nakaranas ito ng pananakit, verbal at physical. Subalit, napatawad na raw ni Beauty ang kanyang nanay. Alam din niya na hindi pa siya bati nito kaya bihira lang siya bumibisita sa Dumaguete.
Generation
Bilang isa ring ina, siniguro ni Beauty Gonzalez na hindi nararanasan ng kanyang anak na si Olivia ang mga masasakit na karanasan niya noong siya'y bata pa lamang. "I have to stop it with Olivia and that's my challenge every day kasi it's not like a one-night thing na nawawala eh. Buong buhay mo 'yan nadadala eh, so it takes time talaga," sinabi ni Beauty.
Bashers
Isa rin sa inamin ni Beauty Gonzalez ay pumapatol daw siya sa kanyang bashers minsan. Pero madalas din daw naawa siya sa kanila kung pinagtutulungan na siya ng kanyang fans para ipagtanggol.