Andrew E. sa mga bintang sa kanyang hit song: ''Yung accusation was not authentic'
Magkahalong saya at rebelasyon ang panayam ng Pinoy rap icon na si Andrew E. sa afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.
Nitong Lunes, November 18, ibinahagi ni Andrew E. ang kanyang istorya sa likod ng ilang mga paratang at pagsubok na naranasan niya sa karera. Binalikan din niya ang kanyang career journey at mga nakatutuwang kuwento sa likod ng kanyang mga kanta.
Balikan ang highlights ng panayam ni Andrew E., sa gallery na ito:
Andrew E
Binalikan ni Andrew E. ang kanyang kuwento sa pagiging Pinoy rap artist sa Fast Talk with Boy Abunda noong November 18.
Concert
Sa loob ng 34 years niya sa showbiz, ngayong taon na mangyayari ang first solo major concert ni Andrew E. na "1time For Your Mind." Gaganapin ito sa December 11 sa New Frontier Theater.
Achievements
Kuwento ni Andrew E., mas nauna raw ang kanyang achievements sa karera kaysa gawin ang ilang proyekto tulad ng concerts. Pumatok kasi kaagad ang kanyang kantang Humanap ka ng Panget," kaya kaagad siya nakatanggap ng karangalan at kasikatan bago pa gawin ang mga iba pang bagay sa kanyang karera.
Career
Sa tanong kung napagod ba si Andrew E. sa kanyang career, simpleng sagot niya, "Tito Boy, I've never started yet." Marami pa raw nais gawin ng rapper at aktor sa showbiz industry kagaya ng pagpasok sa Hollywood.
Comment
Sa kanilang kuwentuhan, binalikan din ni Andrew E. ang mga hindi niya malilimutang komento sa kanya noong siya'y nagsisimula sa showbiz. Ang kanya raw top three na masasakit na comments ay, "Sino iyan?," "Boy, halika dito," at " Ba't ka nandito?"
Humanap ka ng Panget
Naging inspirasyon ni Andrew E. sa pagbuo ng kanyang kanta na "Humanap ka ng Panget" ang kanyang karanasan at kuwento ng mga lalaki na naging biktima ng paghuhusga sa kanila base sa itsura. Ang kanta raw ay nagsilbing confidence booster ng karamihan na maniwala sa kanilang talento at sarili hindi sa kanilang itsura.
Allegations
Ang patok na kantang "Humanap ka ng Panget" ni Andrew E. ay humarap din sa copyright allegations dahil kinopya umano nito ang American song na "Find an Ugly Woman." Para kay Andrew, hindi ito makatarungan dahil hindi naman mismo pareho ang dalawang kanta at humugot din sila ng inspirasyon sa isang awitin noong 1963." 'Yung accusation was not authentic. Hindi ako ina-accuse ng tao na kinopya ko 'yung kanta kasi hindi naman sila nag-a-accuse. Why? Kasi kung nag-a-accuse sila na kinopya ko 'yun. E, bakit hindi mo in-accuse 'yung kanya na iyon na kinopya sa isang 1963 song?" paliwanag ni Andrew.
Mahirap Maging Pogi
Nakakatawa naman ang kuwento ni Andrew E. sa likod ng kanyang kanta na "Mahirap Maging Pogi." Ito raw ay noong nagsimula na siya maging isang aktor. Biro nga niya na mas mahirap maging pogi kung hindi naman talaga guwapo.
King of Rap
Sa katanungan kung sino ba talaga ang hari ng rap sa Pilipinas, sinagot ni Andrew E. na turing raw ni Francis Magalona na silang pareho ang nangunguna sa industriya. Samantala, masayang inilahad ni Boy Abunda na nakakausap raw ni Andrew E. ang Fil-Am rapper na si EZ Mil tungkol sa tips sa pagra-rap.