Aiai Delas Alas, hiling na maging maligaya si Gerald Sibayan sa kabila ng kanilang hiwalayan
Ikinuwento ni Aiai Delas Alas na totoo ang balitang naghiwalay na sila ni Gerald Sibayan.
Sa kaniyang kaarawan at pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ay ikinuwento ito ni Aiai at pati na rin kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.
Balikan ang kuwento ni Aiai sa Fast Talk with Boy Abunda.
Aiai Delas Alas
Nag-celebrate ng kaniyang kaarawan si Aiai Delas Alas sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Ayon sa aktres, ang kaniyang birthday prayer ay, "Fighting. Lumalaban and super nagdadasal and kinakaya ang mga pagsubok ng buhay."
Confirmation
Ito rin ay ang naging paraan ni Aiai para kumpirmahin na hiwalay na sila ni Gerald Sibayan. Si Aiai at Gerald ay ikinasal noong 2017. Nag-renew naman sila ng kanilang wedding vows sa Las Vegas noong 2022.
October 14, 2024
Ayon kay Aiai, tandang-tanda niya ang petsa ng kanilang paghihiwalay.
"Oo, hiwalay na kami. Last month pa. Hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya tapos madaling araw dito sa Pilipinas."
Gerald's reason
Kuwento ni Aiai ang naging rason ni Gerald sa pakikipaghiwalay.
"Sinabi niya na gusto niyang magkaanak and hindi na siya happy. Medyo confused ako and shocked. Bakit ngayon? Bakit ngayong oras na 'to. Sana hinintay mo muna akong makauwi sa Amerika."
Reaksyon
Inamin ni Aiai na galit ang una niyang naramdaman sa pakikipaghiwalay ni Gerald.
"Nagalit muna ako and sini-sink in ko muna lahat na ano ba 'tong nangyayari?"
Forever
Inilahad pa ng aktres sa kaniyang interview na inihanda niya rin ang sarili sa posibilidad na magkahiwalay sila ng kaniyang asawa.
"Alam ko na bata pa si Gerald, baka magbago 'yung isip. Pero alam mo 'yung sana huwag. Sana totoong may forever."
Anak
Naging emosyonal si Aiai nang pag-usapan ang pagkakaroon ng anak. Ayon kay Aiai, "Alam naman na niya na bago niya ako pakasalan na hindi na ako magkakaanak."
IVF
Inilahad ni Aiai na sinubukan nilang magkaanak via IVF o In Vitro Fertilization.
"Sabi ko sa kaniya, 'pag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya. Na ilalagay ko 'yung baby para magkaroon kami ng baby."
Third party
Itinanong kay Aiai kung nagkaroon ba ng third party sa kanilang relasyon ni Gerald. Sagot ng aktres, "Ako ramdam ko, mayroon. Gut feel."
Dugtong pa niya, "It doesn't matter naman kung mayroon or wala na kasi noong sinabi niya na firm na siya sa kaniyang decision, wala naman na akong ilalaban 'di ba?"
Age difference
Sa usaping edad nina Aiai at Gerald, inamin ng aktres na pakiramdam niya malaking bahagi ito ng kanilang hiwalayan.
"I think medyo malaki kasi siguro nag-iba na 'yung priorities niya, tapos baka nakakita siya ng mas magiging masaya siya. Kaya feeling ko malaking factor rin."
Message for Gerald
Nag-iwan naman ng mensahe si Aiai para kay Gerald.
Ani Aiai, "I hope 'yung hindi ko pa naibigay sa'yo na hinahanap mong kaligayahan, sana makuha mo. 'Yung hinihiling mong anak, sana magkaroon ka ng healthy child. I wish you well. Sa sampung taong pinagsamahan natin, in fairness naman to you naging good husband ka naman. Siguro ganoon talaga ang buhay. Basta sana maging masaya ka na lang."