Maricel Laxa, bakit itinago ang balitang nagka-heart surgery si Anthony Pangilinan?
Tumatak sa publiko ang karakter ni Maricel Laxa-Pangilinan bilang Meredith sa first legalserye sa Pilipinas na 'Lilet Matias: Attorney-At-Law.'
Pero tulad ng role niya bilang Atty Meredith na isang strong female personality, ganito rin sa totoong buhay si Maricel na kamakailan lang ay humarap sa matinding pagsubok ang kaniyang pamilya.
Ibinahagi ng versatile TV-movie actress sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong hapon (October 15) na sumailalim sa isang heart surgery ang mister niya na si Anthony Pangilinan.
Dito, sinabi niya kung bakit muna itinago nila sa publiko ang naturang operasyon.
Lahad niya kay Boy, “We didn't want to make it public, we just want it to be private time para sa pamilya, so that we could heal properly, all of us.”
Alamin ang buong detalye nang health operation ni Anthony Pangilinan sa gallery na ito.
Get to know the latest update on your favorite showbiz personality together with 'The King of Talk' Boy Abunda in 'Fast Talk with Boy Abunda,' weekdays at 4:45 p.m. on GMA Afternoon. #FastTalkwithBoyAbunda
Maricel Laxa
Break muna sa matitinding court scenes si Maricel Laxa-Pangilinan nang sumabak siya sa isang masayang kuwentuhan sa 'Fast Talk' kasama ang award-winning host na si Boy Abunda.
Meredith
Ano-ano ang mga tumatak na eksena ni Maricel bilang Meredith sa 'Lilet Matias: Attorney-At-Law?'
Married
Kasal si Maricel kay Anthony Pangilinan at sa darating na Disyembre, ipagdiriwang nila ang kanilang 31st wedding anniversary
Anthony Pangilinan
Sa interview ni Maricel sa 'Fast Talk with Boy Abunda', ikinuwento niya na kinailangan ng heart surgery ng kaniyang mister.
Lahad niya kay Tito Boy, “He's back to work.”
“Nagta-trabaho na, nagwa-walking lahat. I mean, that's the only way he will heal… He had a heart surgery and we were in the hospital for three weeks. Ngayon, he's recovering. It's been two weeks out of the hospital. We didn't want to make it public. We just wanted it to be private time para sa pamilya, so that we could heal properly, all of us.”
Journey
Inilarawan pa ni Maricel na isang “beautiful journey” ang pinagdaanan ng kanilang pamilya. “Kasi pagdumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. We went through it quietly and it's the most beautiful thing to go through together.”
Thankful
“And ako araw-araw, is the day to be thankful for. The good, the bad, the ugly. Everything is a gift, everyday is a gift. ” - sambit ni Marical sa panayam ni Boy Abunda