Sexy stars Robb Guinto at Azi Acosta, may gustong gawin kay Joshua Garcia
Nagbabaga ang hapon sa high-rating afternoon talk show na 'Fast Talk with Boy Abunda' dahil bumisita ang dalawa sa mga sikat na sexy star ngayon!
Nakapanayam ng award-winning TV host na si Boy Abunda ang Vivamax talents na sina Robb Guinto at Azi Acosta.
Si Robb Guinto ay napanood na sa 'Unang Tikim,' kung saan nakasama niya si Angeli Khang. Sila ay parehong naging bahagi ng GMA Prime series na 'Black Rider.'
Samantala, bumida naman si Azi pelikulang 'Call Me Alma,' kasama ang yumaong batikang aktress na si Jaclyn Jose, noong 2023.
Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, ibinahagi ng dalawa ang experience nila sa tuwing sasabak sa sexy films.
Ayon kay Azi, wala naman siyang naranasan na nabastos siya sa isang shoot.
Lahad niya sa 'Fast Talk,' “Wala naman po. Kasi, before kami mag-eksena kinakausap kami ng director mga restrictions ganiyan. And kung may napansin naman mali 'yung director pinapatigil 'yung eksena.”
Dagdag naman ni Robb, “Bago po mag-start 'yung eksena kinakausap po namin 'yung co-artists namin na ito po 'yung restrictions namin. Ito po 'yung mga bawal. Well, napag-uusapan naman po yan e ng maayos.”
Kilalanin pa nang husto sina Robb at Azi; at alamin kung sino ang leading man na dream nila na maka-kissing scene sa gallery na ito!
Get to know the latest update on your favorite showbiz personality together with 'The King of Talk' Boy Abunda in 'Fast Talk with Boy Abunda,' weekdays at 4:45 p.m. on GMA Afternoon. #FastTalkwithBoyAbunda
Robb on misconception about sexy star
Sa panayam ni Boy kay Robb, agad na tinama ng sexy actress ang misconception tungkol sa kanilang "malalandi" sila.
Tugon agad niya, “Hindi naman po totoo yun. Hindi naman porket na naghububad po kami is 'yun na agad 'yung tingin sa amin ng tao.”
"It's not true"
Ganito rin ang sentimyento ni Azi sa mga nagsasabi na “malalandi” ang tulad nilang sexy actress.
“Marami po talagang ganiyan na porke't akala nila naghuhubad kami ganun din kami sa totoong buhay. It's not true po.” paliwanag ng dalaga sa Fast Talk.
Family of Azi
Ni-reveal naman ni Azi Acosta na ang tatay pala niya ay isang pastor.
Ano ang naging reaksyon ng kaniyang mga magulang sa pagpapa-seksi niya sa show business?
Sabi niya kay Boy, “Katulad po ng sinabi ko kanina, hindi ko rin alam kasi yung nakakausap lang namin [ay] 'yung tito niya na pastor din. Nagkausap sila ni Mama, pero proud sila. Hindi nila ikinakahiya nag-Viva Max ako kasi alam naman nila na hindi siya pang-forever stepping stone lang siya.”
Family of Robb
Aminado naman si Robb na noong una ay hindi nagustuhan ng pamilya niya ang trabaho niya bilang sexy actress.
Balik-tanaw niya, “Nung una po, hindi rin po sila agree sa gagawin kong work. Pero in-explain ko naman po sa kanila na work lang naman 'yun. Walang personalan kaya ayun po, okay naman po sa parents ko.”