Michael Flores at Joshua Zamora reveal lessons they learned from Gary Valenciano
Nakisaya at humataw sina Michael Flores at Joshua Zamora kasama ang King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes.
Sa panayam ni Boy kina Michael at Joshua, napag-usapan ang karera ng guest celebrities nang maging bahagi ng dance group na The Manoeuvres, ang kanilang mga natutunan mula kay Gary Valenciano, at iba pa.
Bukod dito, ipinakita rin nina Michael at Joshua ang kanilang dance moves kasama ang King of Talk.
Balikan ang panayam ni Boy Abunda kina Michael Flores at Joshua Zamora sa gallery na ito.
Michael Flores and Joshua Zamora
Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang actor-dancers na sina Michael Flores at Joshua Zamora, na parehong naging bahagi ng dance group na The Manoeuvres.
Past
Ayon kay Michael Flores, noong una ay ayaw ng kanyang ama ang naging desisyon niyang pumasok sa showbiz.
Aniya, “Noong nalaman nila na magiging member kami ng Manoeuvres, ayaw ng dad ko talaga. Strict ang dad ko. Even noong naging artista ako, noong naging part na ako ng T.G.I.S, ayaw niya talaga. 'Hindi kita pinag-aral sa ganitong eskwelahan-parang sa pelikula 'di ba-para lang maging dancer.'”
Ayon pa kay Michael, nagbago ang isip ng kanyang ama nang makitang masaya ang una sa kanyang ginagawa at naging independent.
Gary Valenciano
Ayon kina Michael Flores at Joshua Zamora, naging malaking tulong sa kanila ang makatrabaho ang tinaguriang “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano.
“Isang malaking [tulong] grabe. The humility, 'yung work ethic. I think, for me, para sa akin, na-adapt ko 'yon kasi iba talaga,” ani Joshua.
Dagdag naman ni Michael, “At saka 'yung pagiging professional kasi ni Sir Gary. At saka nagbibigay siya lagi ng mga advice sa amin. Hindi lang about dancing pero, kundi about life.”
Lesson
Ibinahagi nina Michael Flores at Joshua Zamora ang mga aral na kanilang natutunan mula kay Gary Valenciano bilang tao at artists. Ayon sa guest celebrities, ito ay ang pagiging mapagpakumbaba.
“Kahit na nasaan kayo sa buhay, kung nandito kayo, just be humble,” ani Michael.
Fast Talk
Sumalang sa “Fast Talk” segment sina Michael Flores at Joshua Zamora. Isa sa mga tanong para sa kanila ay i-describe ang kanilang grupong Manoeuvres sa isang salita.
“Amazing,” sagot ng guest celebrities.