Sid Lucero, bakit hindi fan ng kanyang amang si Mark Gil?
Ikinuwento ng aktor na si Sid Lucero ang relasyon niya sa yumaong ama at kapwa aktor na si Mark Gil nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 6.
Sa talk show, inamin ni Sid na mahirap para sa kanya sagutin kung kamusta ba ito bilang isang ama. Ito raw ay sa kadahilanang “baka kasi hindi maintindihan ng ibang tao.”
Napag-usapan rin ang acting styles nilang dalawa kung saan inamin ni Sid, na ibang-iba. "Pag napapanood ko ang dad ko, ang unang pumapasok sa akin is 'bakit ganon ang style nya?' I don't even think I am a fan."
"Ang napansin ko kay dad, tuwing inaatake nya ang isang character, it's far from him" pagpapaliwanag ni Sid.
Mas kilalanin si Mark Gil bilang isang ama sa mata ni Sid sa gallery na ito:
As a father
Ayon kay Sid, hindi nagkaroon ng maraming chance si Mark para maging tatay sa kaniya at sa kapatid niyang si Maxine Eigenmann.
Sariling buhay
Sinabi rin ni Sid na dahil may sariling buhay ang kanyang mga magulang kaya nang maghiwalay ang dalawa ay hindi na naging madali para kay Mark ang maging tatay sa kanila ni Maxine.
Resentment
Inamin rin ni Sid na noong una ay may sama siya ng loob sa kaniyang ama, at sinabing nagalit siya dito. Paliwanag ng aktor, "Yes, and I think natural na epekto lang 'yun kapag naghihiwalay ang mga magulang sa bata."
Epekto sa kaniya
Dagdag ni Sid, ang naging epekto nito sa kanila ay nag-iisip sila noon kung kasalanan ba nila ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang, o kaya naman ay kinukwestyon nila ang desisyon ng mga ito.
Maturity
Sa pag-mature ni Sid, ayon sa kanya, ay mas naintindihan na niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya.
Ipinaalam sa kanyang ama
Ibinahagi rin ni Sid na ipinaalam niya ang nararamadaman sa kaniyang ina na si Bing Pimentel, at sa kanyang ama.
Letting the school know
Hindi man niya sinasadya ay naipaalam rin niya ang sitwasyon sa kaniyang school noon nang hindi niya napapansin.
Understanding his sentiments
Sinabi naman ni Sid na naiintindihan naman ng kaniyang ama ang kaniyang hinaing noon ngunit, "wala siyang masabi."
Different styles
Sinabi rin ni Sid na napansin niyang ibang-iba ang style ng pag-arte nila ng kaniyang ama. Panoorin si Sid Lucero bilang Roald sa 'Love Before Sunrise,' gabi-gabi sa GMA Telebabad.