Pia Wurtzbach humingi ng dispensa sa nangyaring 'panghahawi' kay Ricky Lee
Usap-usapan ngayon ng netizens ang video ng nangyaring “panghahawi” ng isang security personnel sa National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee nang makipagkamay ito kay Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.
Nangyari ang nasabing insidente sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City, noong September 14, 2023.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita ng batikang TV host na si Boy Abunda ang naturang pangyayari kasama sina Pia at Ricky.
Ayon kay Boy, parehong bisita si Pia at Ricky sa naturang book fair. Mahalaga ang araw na ring 'yon para sa beauty queen dahil doon niya ni-launch ang kanyang bagong libro na pinamagatang Queen of the Universe: A Novel. Habang naglalakad si Pia patungo sa stage ay kinamayan niya si Ricky, pero bago pa man sila nakapag-usap, agad itong hinarang ng isang security personnel. Hindi naman nagustuhan ng maraming netizens na nakapanood ng video ang naturang eksena.
Naglabas din ng saloobin si Boy sa nangyari. Aniya, “I felt bad for Ricky. Take away the National Artist title, take away anything, Ricky is one of the most beautiful people I've met in my life.”
Dagdag pa niya, “Naayos na po ito pero leksyon po sa atin dahil importante na tinatrato po natin [nang maayos] ang number one, seniors, number two, it was a book fair, this was a cultural event. Actually may batas po e, kung paano tinatrato ang mga national artist. But I'd like to pay tribute to Ricky, for remaining such a humble person. Ikaw ang dapat tularan ng lahat. I bow to you.”
Pahayag pa ni Boy, bagamat hindi si Pia ang dapat humingi ng paumanhin ay nag-reach out na umano ito sa National Artist na si Ricky upang magbigay ng dispensa sa nangyari.
Kasalukuyang nasa fashion week ngayon sa Milan si Pia, nang makausap ito ni Boy kaugnay sa naturang insidente.
Samantala, si Ricky ay kasama sa creative team ng upcoming fantasy series na Sang'gre.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Check out the time Pia Wurtzbach did a homage to Filipina Miss Universe titleholders in this gallery:
Manila Girl on the Moon
Pia Wurtzback wears white Mark Bumgarner gown as "[a]n ode to the white gown Gloria Diaz, the Philippines' first Miss Universe, wore when she was asked in 1969 what would she do when the first man on the moon visited Manila."
Tribute to Miss Universe 1969 Gloria Diaz
Pia further wrote on her post about this gown, "Today, this look is a message for every woman to be unafraid to reach for the moon and say yes to her dreams & new adventures."
In Full Bloom
Pia Wurtzbach wears a flowy yellow dress by Jaggy Glarino, which"[takes] cues from the iconic flower pinned on Margie Moran's gown when she was crowned Miss Universe back in 1973.
Tribute to Miss Universe 1973 Margie Moran
Pia said on her post, "In a hue that's brighter than the sun, we're reinventing what pageant swimsuit shots could look like with this offbeat one piece number that unapologetically highlights a woman's curves."
My Crowning Glory
Pia Wurtzbach wears an intricate blue gown by Luis Pangilinan as "[a]n homage to my DIC crown when I won Miss Universe back in 2015 in my signature blue color.
Next level Miss Universe
Pia added about this gown, "We're taking wearing the crown to the next level -- not just on top of our heads, but as an embodiment of how every woman should be celebrated whatever size, shape or age she is."