Jose Mari Chan, kumikita ba nang malaki bilang kompositor ng sikat na kanta?
Sa unang araw ng 'Ber' months, September 1, nakasama ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang tinaguriang King of Pinoy Christmas Carols na si Jose Mari Chan.
Sa pakikipagkuwentuhan sa batikang TV host, ibinahagi ni Jose kung ano ang perfect Christmas para sa kanya at ang hiling niya ngayong Pasko.
Nag-react din ang batikang singer-songwriter sa mga naglalabasan niya ngayong social media memes, na aniya, sinubukan niya pang hanapin kung sino ang mga gumawa ng memes na iyon. Nagbigay rin ito ng payo para sa mga kabataang musikero.
Balikan ang ilan sa napag-usapan nina Boy Abunda at Jose Mari Chan sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito:
Jose Mari Chan
Masaya ang King of Pinoy Christmas Carols na si Jose Mari Chan na makakuwentuhan sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang King of Talk na si Boy Abunda.
Grandfather
Ibinahagi ni Jose Mari Chan na isa na siya ngayong lolo sa siyam niyang apo at nagpapasalamat din ito sa 53 taong pagsasama nila ng kanyang asawa. Sa edad na 78, abala ang batikang singer-songwriter sa negosyo.
Christmas
Ngayong Pasko, ikinuwento ni Jose Mari Chan na abala siya sa ilang commercial endorsements at shows. Magkakaroon din siya ng Christmas-themed concerts sa limang cities sa Canada kasama ang The Company.
Social media memes
Nag-react si Jose Mari Chan sa mga naglalabasan niya ngayong social media memes, sabi niya, "I was confused as to how to react to that and I never knew who it was that created those memes. I've tried to find out but was unsuccessful. So until now I still don't know who made those memes."
Christmas In Our Hearts
Binalikan ni Jose Mari Chan kung paano nabuo ang hit classic Christmas song niyang "Christmas In Our Hearts." Kuwento niya, "The melody itself was composed in 1988 to a poem written by my good friend Chari Cruz-Zarate, Ang Tubig Ay Buhay, which she used as a high school Jubilee song. So, I wrote that melody and I never thought that two years later I was going to use that melody for Christmas song."
Christmas song
Pagpapatuloy na kuwento ni Jose Mari Chan tungkol sa pagbuo ng "Christmas In Our Hearts," "When Universal Records, the recording company that I record for, approached me and said, 'It's time we do a Christmas album because of the success of 'Beautiful Girl,' 'Please Be Careful With My Heart,' 'My Girl, My Woman, My Friend.' Then, I thought of that melody and I got a friend of mine Rina CaƱiza to come to the house, I gave her the melody and together we worked on the lyrics."
Romantic Christmas song
Ayon kay Jose Mari Chan, hindi niya inaasahan ang success ng "Christmas In Our Hearts." Aniya, " As a matter of fact, the producer sa Universal Records said, 'Jo, masyadong Christian song itong kanta. Why did you come up with a romantic Christmas song." So, I came out with 'My idea for a perfect Christmas is to spend it with you.' And then, when they heard, ''Yun, that's the one radio will play.' Without expecting that 'Christmas In Our Hearts' would be a big hit."
Composer
Sinagot ni Jose Mari Chan ang tanong ni Boy Abunda kung kumikita nang malaki ang kompositor sa isang sikat na kanta. Sagot niya, "Not anymore because the technology has changed. Nobody buys records, nobody buys CDs, nobody buys cassettes anymore. So, we earn a little bit from Spotify, not too much. Also from endorsements and doing shows, that's all."
Advice to young musicians
Nagbigay ng payo si Jose Mari Chan para sa mga kabataang musikero "Especially now with the technology change, it's very hard to live on music. That's why my advice to young composers, young singers is to use that as a hobby on the side but get another career--either in law, or accounting, or medicine. Just do music on the side. Don't lose it completely because that's God's given gift to you."