'Bubble Gang' stars Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Chariz Solomon, at Ana Barro, nakipagkulitan sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

Matapos ang pagbisita nina Bubble Gang stars Paolo Contis, Buboy Villar, at Cheska Fausto sa Fast Talk With Boy Abunda noong July 6, sunod namang nakipagkulitan sa talk show ang co-stars nilang sina Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Chariz Solomon, at Ana Barro noong Biyernes, July 7.
Sa pakikipagkuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda, ibinahagi nina Betong, Kokoy, Chariz, at Ana ang mga dapat na abangan sa Bubble Gang ngayong mapapanood na ito tuwing Linggo, alas-6 ng gabi sa GMA.
"Maipapangako po namin na seseryusuhin po namin ang pagpapatawa po namin sa Bubble Gang. Siyempre, serious business 'yung pagpapatawa so lalo naming seseryusuhin at ang kaibahan po ngayon may live audience na po," sabi ni Betong.
Balikan ang ilan sa highlights ng interview nina Betong, Kokoy, Chariz, at Ana kay Boy Abunda sa gallery na ito:









