Ricci Rivero, nagsalita na sa naging hiwalayan nila ni Andrea Brillantes
Ilang linggo matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes, sumalang sa isang one-on-one interview ang celebrity basketball player na si Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda upang ibahagi ang ilang detalye ng nasabing breakup.
Ayon kay Ricci, pinili niyang magsalita na tungkol dito dahil pati ang kaniyang pamilya ay nakatatanggap na rin ng bashing mula sa mga tao.
April 2022, nang maging official ang relationship nina Ricci at Andrea pero nito lamang Hunyo, kinumpirma ng una ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang Twitter post.
Matatandaan na naging bukas sina Ricci at Andrea sa kanilang relasyon kung kaya't marami ang nagulat sa kanilang biglaang hiwalayan
Balikan ang ilan sa naging laman ng panayam ni Ricci kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda DITO:
Interview
Nagpaunlak si Ricci Rivero ng isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda upang magsalita tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.
Family
Ayon kay Ricci Rivero, hindi niya lamang maatim na nadadamay ang kaniyang pamilya sa isyu nila ng ex-girlfriend. Aniya, “First of all Tito Boy, ito 'yung main reason kung bakit po ako mag-speak up, it's because of my family kasi kung ako lang Tito Boy, wala naman pong problema sa akin e, 'di ba? Sanay naman po ako na maraming ginagawang kuwento [tungkol sa akin], maraming accusations and everything, kung ako kaya ko namang tanggapin e, kasi alam ko namang hindi totoo. Pero kapag sa family ko siguro it's time for me to step up and kailangan ko po silang protektahan dito sa mga issues na ganito.”
Breakup
Sa interview ni Boy Abunda kay Ricci Rivero, inamin ng basketball player na Abril pa lamang ngayong taon ay nag-cool off na sila ni Andrea Brillantes at tuluyan silang nag-break noong Mayo.
Aniya, “April this year we took a break, we took a little break from each other. Siguro parang kailangan lang ng breather something like that tapos 'yung breakup was first week ng May talaga totally.”
Trophy GF
Iginiit naman ni Ricci Rivero na hindi niya ginawang trophy GF si Andrea Brillantes dahil malinis ang intensiyon niya sa kaniyang ex-girlfriend.
“Tito Boy kung ginamit ko po siya kasi marami naman pong offers ang ABS-CBN na sit-down interviews with her, shows with her, and simula po nu'ng naging kami never po akong nag-'Yes,' lahat po nag-beg-off ako kasi ayoko rin naman pong parang i-connect 'yung trabaho sa personal relationship ko,” ani Ricci.
Relationship problems
Paglalahad pa ni Ricci Rivero, may mga problema na rin sila ni Andrea Brillantes bago pa sila tuluyang maghiwalay.
“Kasi Tito Boy, babalikan ko lang po, before anything else marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema, personally, hindi naman siya may mali kasing ganito or may kasalanan or what so sigurodoon lang sa the way we are sa isa't isa rin.
“Marami naman siyang puwedeng factors 'di ba? It could be both 'yung maturity namin pareho puwedeng ganon, puwedeng whatever reason lang so may mga inaayos kami na sa akin normal naman para sa isang relationship,” ani Ricci.
Split
June 2023, kinumpirma ni Ricci Rivero sa pamamagitan ng isang Twitter post ang breakup nila ni Andrea Brillantes.
Accusations
Kuwento ni Ricci Rivero, isa sa naging ugat ng pagtatalo nila ni Andrea Brillantes ay ang babaeng nakita ng aktres sa kaniyang tinitirhan.
Aniya, “Tito Boy 'yung cause ng breakup, 'yung speculations niya na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl doon sa place ko. Pero ilang beses na rin naming pinag-usapan 'to as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidences I have kasi may mga conversation even with my friends 'di ba? Na hindi po sa akin'yung girl, may papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya tapos 'yun 'yung inabutan niya that time.”
Cheating issue
Nilinaw naman ni Ricci Rivero na wala silang relasyon ng beauty queen at Los Baños Councilor na si Leren Bautista at ang kumalat na larawan nila kamakailan ay isa lamang outreach program para sa kaniyang kaarawan.
Gay boyfriend
Iginiit din ni Ricci Rivero na wala siyang gay boyfriend pero malaki ang respeto niya sa LGBTQ+ community.
Aniya, “Tito Boy sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na 'yan kasi simula po noon nu'ng napasok din po ako sa [showbiz] industry, even sa basketball naman marami po talaga akong nilu-look up in a way na 'yung personality nila, the way the carry themselves na alam ko po mataas 'yung respeto namin sa isa't isa sa kanilang lahat na hindi naman po aabot sa romantic relationship.”
Sexuality
Dahil sa issue ng “gay boyfriend” hindi naiwasang tanungin ni Boy Abunda si Ricci Rivero ng, “And you're straight?”
“Opo,” sagot naman ng binatang basketball palyer.
Ricci and Andrea
Matapos ang mahigit isang taon na relasyon, nauwi sa hiwalayan ang masayang pagsasama nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.
Para sa mga magulang
Sa ikalawang bahagi ng interview kay Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinaliwanag niya na natulak siyang magsalita pagkatapos ng isang insidente kung saan nasabihan in public ang kaniyang mga magulang na ang anak nila ay isang cheater.
Huwag mag-react
Ayon kay Ricci Rivero, sa pagkakakilala niya sa kaniyang mga magulang, ipagdarasal na lamang ng mga ito ang mga ganoong klaseng tao. Gayunpaman, pati raw ang kaniyang mga nakababatang kapatid ay tinatanong tungkol sa isyu.
Walang malay
Saad ni Ricci Rivero, “Pinalaki nila kaming marunong makisama sa tao ng maayos. Alam ko kung paano akuin 'yung pagkakamali. Lahat ito nangyayari pero hindi ako nag-cheat. (But it's) not just my parents, even the younger kids, ina-ask sila. Di sila aware sa lahat ng nangyayari. It's not for us to talk about as a family.”
Hindi ginamit si Andrea
Muli ring idiniin ni Ricci Rivero na hindi niya ginamit si Andrea Brillantes upang sumikat. Ayon sa kaniya, “Ayokong i-connect ang trabaho sa personal relationship ko. Wala sa isip ko 'yung mga ganyang bagay.”
BLACKPINK in their area
Binalikan din ni Ricci Rivero ang kontrobersyal nilang gimik noon sa concert ng BLACKPINK. Ayon sa kaniya, may gusot na ang relasyon nila noong panahong iyon.
“That time 'yun 'yung may mga struggle. Pero siguro day by day naaayos namin. Hindi ko alam 'yung plan niya nun. Nung nangyari 'yun sobrang saya ko para sa kaniya,” saad niya.
Live-in issue
Ibinunyag din ni Ricci Rivero na diumano ay nag live-in sila ni Andrea Brillantes, ngunit tinulak niya umano si Andrea na mag-focus sa industriya niya.
“From time to time we did but ang gusto ni tita is she go home din. Gusto ko mag-focus siya sa industry niya, sa goals niya. Kailangan ko rin mag-focus sa akin,” sabi niya.
Focus sa career
Sa ngayon, balik ang atensyon ni Ricci Rivero sa kaniyang basketball career. “I am trying to focus on basketball kasi I made it a point to myself na ito 'yung priority. Gusto ko ring mag thank you sa showbiz industry kasi merong mga offers and inquiries. Nakakatuwa at nakakataba ng puso na kahit no ako ng no nandyan sila para sa akin,” dagdag niya.