Ricci Rivero, iginiit na hindi ginamit ang ex-gf na si Andrea Brillantes
Nilinaw ng basketball player na si Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi niya ginamit ang aktres at ex-girlfriend na si Andrea Brillantes upang siya ay sumikat.
Sa June 26 episode ng nasabing programa, nagsalita na si Ricci tungkol sa mga isyu kaugnay ng naging hiwalayan nila ni Andrea.
“Ricci, 'yung mga usap-usapan, ginamit mo si Andrea Brillantes, trophy girlfriend, para ikaw daw ay sumikat, anong nais mong sabihin dito?” tanong ng TV host na si Boy kay Ricci.
Ayon sa star athlete, simula pa lamang ng relasyon nila ni Andrea ay hindi niya ginamit ang kasikatan ng aktres dahil malinis ang intensyon niya rito.
Sa katunayan, may mga naging project offer umano ang istasyon kung nasaan si Andrea para sa kanila ngunit tinanggihan niya ang mga ito.
Aniya, “Tito Boy kung ginamit ko po siya kasi marami naman pong offers ang ABS-CBN na sit-down interviews with her, shows with her, and simula po nu'ng naging kami never po akong nag-'Yes,' lahat po nag-beg-off ako kasi ayoko rin naman pong parang i-connect 'yung trabaho sa personal relationship ko.”
Dagdag pa ni Ricci, “Sa akin Tito Boy sobrang genuine lang lahat e, wala sa isip ko 'yung mga ganyang bagay kasi parang minsan lang ako mag-girlfriend e, bakit sa ganyan paraan ko pa gagawin.”
Matatandaan na naging bukas sina Ricci at Andrea sa kanilang relasyon kung kaya't marami ang nagulat nang bigla na lamang itong magtapos kamakailan.
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA RICCI RIVERO AT ANDREA BRILLANTES SA GALLERY NA ITO:
On-court proposal
Andrea and Ricci's relationship has been official when the latter did an on-court proposal after the UP Fighting Maroons won over the FEU Tamaraws in Season 84.
UAAP Championship
When the UP Fighting Maroons took home the UAAP basketball trophy after 36 years, Andrea was there to inspire Ricci more.
Freedive
From being the Spider Couple, Andrea and Ricci also conquered the underwater as they tried freediving in Batangas.
Valentine's Day
Andrea receives bouquet of roses from Ricci on their first Valentine's Day as a couple.
Blackpink Concert
At the BLACKPINK concert last March 2023, Andrea Brillantes succesfully pulled off a prom-posal for Ricci Rivero with the help of the popular K-pop idols.