Fernando Carrillo is still a hunk at 57
Nagbabalik-Pilipinas ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo na sumikat sa bansa nang ipalabas dito ang 1999 Mexicanovela niyang 'Rosalinda' na nagkaroon pa ng GMA adaptation noong 2009. Pinagbidahan ito nina Carla Abellana, na gumanap bilang Rosalinda, at Geoff Eigenmann, na gumanap bilang Fernando Jose.
Nasa Pilipinas si Fernando para maghanap ng susunod na global pop group na kabibilangan ng tatlong lalaki at tatlong babae. Ito na ang pang-apat na pagbisita ng aktor sa bansa.
"I love this country very much and I really have a love story with the Philippines. I'm here because I really believe in Filipino talents," bahagi ni Fernando sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Huwebes, June 8
Sa ngayon, 57 taong gulang na si Fernando.
Matapos tumira sa Mexico nang mahabang panahon, nagbalik siya sa kanyang home country na Venezuela, kung saan nagdesisyon siyang tumira sa isang isla roon.
Silipin ang buhay ni Fernando Carrillo sa likod ng kamera rito:
Fernando Carrillo
Sumikat si Fernando Carrillo sa Pilipinas noong late '90s hanggang 2000s nang mapanood bilang Fernando Jose sa Mexicanovelang 'Rosalinda' kung saan katambal niya ang Mexican actress na si Thalia na popular din sa bansa dahil sa nauna niyang serye na 'Marimar.'
Singer
Isa ring mang-aawit si Fernando. Noong April 2023, ini-release niya ang kanyang latest single na "Obsesionado.'
Venezuela
Nakabase ngayon si Fernando sa kanyang birth country na Venezuela matapos manirahan sa Mexico nang maraming taon kung saan siya gumawa ng iba't ibang soap opera, gaya ng 'Rosalinda.'
Family
Noong simula ng taon, napabalitang hiwalay na si Fernando sa kanyang ikalawang asawa na si Maria Gabriela RodrÃguez. Nagkapatawaran din ang dalawa alang-alang sa kanilang anak na si Milo.