Marian Rivera, magbabalik teleserye na sa GMA
Ibinahagi ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda ang pagbabalik teleserye ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ayon sa “Today's Talk” ng batikang talk show host, naganap na kaninang umaga ang story conference para sa bagong seryeng ito, kung saan pinag-usapan ng stellar cast ang kuwento nito.
Base sa ipinakitang larawan sa Fast Talk with Boy Abunda, makakasama rito ni Marian sina Gabby Concepcion, Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Tart Carlos, Caitlyn Stave, at Josh Ford.
Ikinuwento naman ni Boy na sobrang espesyal ni Marian sa Fast Talk with Boy Abunda dahil siya ang naging pinakaunang guest nito sa kanyang programa.
“Alam n'yo po ay magkaibigan kami ni Marian, but, because she was our first guest, she will always always be special to us dito po sa Fast Talk with Boy Abunda. Salamat talaga, Marian.
"Kami ang nakapagsimula and we were honored by your presence, and you will always be special to us. Salamat, salamat,” pagbabahagi niya.
Inalala rin ng seasoned TV host ang kanilang naging usapan noon ni Marian sa Fast Talk with Boy Abunda.
Aniya, “Sinabi ni Marian na hinahanap na rin talaga niya ang pag-arte. Nais ko lamang malaman ni Marian na hinahanap talaga siya ng sambayanang Pilipino at inaantay ang primetime queen na magbalik telebisyon. Mabuhay ka, Marian.”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGING SAKRIPISYO NI MARIAN RIVERA PARA SA KANYANG ROLES SA IBA'T IBANG GMA TELESERYE SA GALLERY NA ITO.
Damaged hair
Celeste Tuviera's first encounter with Marian Rivera happened just a day before she was introduced to play the titular role of Marimar in the GMA adaptation of the Mexicanovela of the same title in 2007. The hairstylist had done a lot of work to revive the actress' damaged hair because of the harmful hair treatments she did in preparation for the role. According to Marian, "Ito 'yung time na hindi namin na-achieve 'yung look ng buhok ni Marimar tapos pinakulot, ini-straight, kinulayan hanggang ending nagputol-putol na 'yung buhok ko na dumating sa point na umiiyak na talaga 'ko na feeling ko makakalbo na yata ako sa mga pinaggagawa sa hair ko."
Being underwater and swimming topless
Marian shared that Dyesebel is one of the most challenging roles that she has ever done. Besides being in the water for most of the time as a mermaid, Marian opened up that she felt uncomfortable being topless. She shared, "Magdamag akong nasa tubig 'tapos umaarte, 'tapos nagsasalita ka sa tubig, nasa ilalim ng dagat, paano ko naman gagawin 'yan, 'di ba? Saka naka-topless ako, 'di kasi pumayag si Direk Joyce (Bernal) na naka-silicone bra ako so naka-nipple tape ako. Sabi ko, 'Direk, ayoko.' Sabi n'ya, 'no, kailangan mong i-feel na ikaw si Dyesebel." Marian knew what portraying the character entails, hence, she did what was asked of her. "Nilunok ko lahat 'yon. Sabi ko, tinanggap ko 'tong character na 'to, tatanggapin ko kung ano ang gusto ng direktor."
Death-defying stunts
The stunts in 'Darna' are dangerous when done wrongly, just imagine doing fight scenes while wearing a harness and hanging in the air. Before Marian entered the taping for the GMA action fantasy series, she did tremendous preparation to be fit for the role. She said, "Isa sa mga dream come true ko 'yun na hindi ko in-expect na ibibigay sa akin, so matinding workout 'yun kasi naka-harness naman 'yun. Can you imagine lahat ng tao nanonood naka-panty't bra ka lang? Naka-harness ka sa taas, may fight scene ka. Everything kasi, as much as possible, ayokong nagpapa-double ako."
Medieval Filipino words
The Kapuso Primetime Queen even learned words that were unfamiliar to her, which took a lot of effort to understand. According to Marian, she studied medieval Filipino words as a requirement for her titular TV role as Amaya. And guess what? Marian has been enjoying the fruits of her labor because, until now, she is remembered for her stellar performance in the Kapuso epic series. Truly, nothing great ever comes easy.
Adaptation of a classic - Regal Films; GMA Films
Marian had done several onscreen adaptations but the remake of the classic Pinoy movie 'Temptation Island' is one of the most challenging projects she has ever made. In the 2011 comedy drama film version, Marian played Azenith Briones' character, Cristina. "Ang hirap pantayan ng original dahil napakahusay ng original. Kumbaga, sinabi ko sa sarili ko na ide-deliver ko 'yung lines, gagawin ko as ako, pero gano'n pa rin 'yung approach. Hindi ko talaga kailangan i-carbon copy kasi ang hirap... kasi ang galing naman kasi talaga."
Putting her in a coffin
Bonus entry: The Kapuso actess shed a lot of tears when she was asked to act while in a coffin. Marian had to overcome her fears as the role required her to be put inside a casket when her character died in the GMA adaptation of South Korean series, 'Endless Love.' "Parang ang dami kong luhang naiiyak d'yan at hindi ko makakalimutan 'yan kasi kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung first time ko pumayag sa isang soap opera na ilagay ako sa kabaong kasi namatay ako d'yan. Sa Marimar, pinasok din ako pero sa kahon, wood lang. Ito talaga kabaong," she said.