GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco, focus muna sa sarili bago sa pag-ibig

By Kristian Eric Javier
Published April 17, 2025 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider who obstructs fire responders in Bacolod City identified
Student punches female classmate in Tagkawayan, Quezon
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Alamin ang estado ng buhay pag-ibig ni David Licauco dito.

Sa pagbisita ni Pambansang Ginoo David Licauco sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 16, ibinahagi ng aktor na single siya ngayon at mas pinipiling maglaan muna ng oras para sa sarili.

Sa naturang Afternoon Prime talk show, tinanong si David ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang estado ng kaniyang buhay pag-ibig ngayon at kung in love ba ito.

Sagot ng aktor, “In love with my job, in love with life in general. Parang mas accepted ko na lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, It's more of that.”

Matatandaan na sa pagbisita ni David sa noontime show na It's Showtime noong January, ibinahagi niyang single na siya. Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang September pa lang ay hiwalay na sila ng kaniyang dating girlfriend at sinabing mas pinagtutuunan niya ang sarili ngayon.

“I've been really working on myself, all for self-improvement. Every day I try my best,” sabi ng aktor.

Ngunit kahit single, masaya naman umano si David lalo na at mas napagtutuunan niya ang self improvement at inaming marami siyang insecurities noon na nalampasan na niya ngayon.

“I feel it and I'm really proud of myself 'cause I've been working really hard for it. Like every day I would watch podcasts and then ilalagay ko siya sa notes, babasahin ko every day,” sabi ng aktor.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA THIRST TRAP PHOTOS NI DAVID SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa “Fast Talk” segment ng talk show, isa sa mga tanong ng batikang host, “Oo, hindi, depende, manligaw kay Barbie Forteza?”

“Depende,” sagot ng Samahan Ng Mga Makasalanan star.

Nang tanungin ni Boy kung bakit ganito ang naging sagot ng aktor, sabi ni David, “I mean, who knows, 'di ba? Whatever happens, happens. If it happens, it happens. But at this point, I'm just going with the flow.”