Rhian Ramos, emosyonal nang balikan ang mga intriga tungkol sa kaniya noon
Emosyonal ang Kapuso actress na si Rhian Ramos nang balikan ang mga dating intriga patungkol sa kaniya sa pagbisita ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 31.
Sa naturang Afternoon Prime talk show, inalala ng aktres ang panahon na sobrang daming intriga ang hinarap niya. Wika pa ng aktres, itinuturing niyang lowest point ng kaniyang buhay ang mga panahon na iyon.
“I would say, the lowest point for me, there were times na nagdami-dami talagang intriga that was going around about me and I couldn't understand. I think this is like the third or fourth year of my career. And also, I was young so I was so affected,” pag-alala ni Rhian.
Umabot daw sa punto na naniniwala na ang mga tao na ipinapakalat niya ang mga balitang iyon para lang sumikat siya. Pag-amin ni Rhian, naging mahirap para sa kanya noong panahon na 'yun, at sinabing gusto na sana niyang sumuko.
Sabi pa ng Sinagtala star, dumating din sa punto na sa loob ng dalawang taon, pinaniniwalaan na niya mismo ang mga negatibong komento tungkol sa kaniya.
“Kaya ang dami ko ring self-hate before when I was younger kasi there were two years of my life na parang when I say I wanted to give up, I'm not talking about showbiz, I'm talking about life as I knew it,” paliwanag ng aktres.
Ngunit sa kabila ng mga nangyari at intrigang kinaharap niya noon, natutuwa siyang nakabalik siya ng happy at healed matapos ang ilang taon.
“I said, there's got to be more, there's got to be more to this life and this career and there's got to be better days ahead,” ani Rhian.
Pagbabahagi ni Rhian kay King of Talk Boy Abunda, hindi naging maayos ang lahat overnight at sa halip, lumipas pa ang mahabang panahon para bumuti ang sitwasyon.
“Sometimes it gets better, and then it comes in waves, so my dad would always tell me that. Sabi niya, 'Just take it Rhian, it's okay, it comes in waves,' so parang minsan babawi, so you feel okay again, and then something just comes back, so may good points and bad points until it just became like smaller waves,” ayon pa sa aktres.
BALIKAN ANG SINABI NI RHIAN KUNG PAPAANO NA SIYA NAGBAGO SA GALLERY NA ITO: