grace tanfelix
Source: Fast Talk with Boy Abunda
TV

Mommy Grace Tanfelix, nag-react sa mga pahayag sa kaniya

By Kristian Eric Javier
Alamin dito kung OA o okay para kay Mommy Grace Tanfelix ang mga pahayag tungkol sa kaniya.

Sa pagbisita nina Mommy Grace Tanfelix at anak niyang si Miguel Tanfelix sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot ng rising food content creator ang ilang mga pahayag tungkol sa kaniya.

Sa naturang talk show, naglaro sina Mommy Grace at Miguel ng “OA or Okay Na 'To,” kung saan sasagutin nila kung over acting o OA ba ang netizens sa kanilang mga komento, o okay lang o tama naman ito.

Para kay Mommy Gace, OA umano ang komento ng mga tao na hindi healthy ang niluluto niya. Sa katunayan, may mga pagkakataon daw na nagluluto siya ng mga gulay o isda para sa kanilang pamilya.

Sinagot rin niya ang mga komento tungkol sa dami ng butter na ginagamit niya sa pagluluto, “Sabi nila, marami akong maglagay ng butter, dun po talaga ako naba-bash. Kasi po, ilang kilo naman po kasi 'yung niluluto ko kaya isang butter din 'yung nilalagay ko, isang buong butter. Kaya OA po.”

Komento rin ni Miguel, may mga pagkakataon pa na nagpapaluto rin siya ng high protein meals sa kaniyang mommy, patunay na healthy talaga ang niluluto nito.

Mariin ding itinanggi ni Mommy Grace na napipikon siya o sumasagot sa bashers.

Related gallery: Grace Tanfelix at Miguel Tanfelix, gaano ka-OK bilang mag-ina?

Pinabulaanan din ni Miguel ang paratang ng iba na ginagamit lang umano siya ni Mommy Grace para sumikat.

Sabi ng aktor, “Kaya naman sumikat si Mommy dahil sa kaniya, hindi Naman po dahil sa akin. Sa kaniya 'yung effort talaga.”

Dagdag pa ni Mommy Grace, “And pinaghirapan ko rin naman din. Atsaka agree po ako, anak ko po ito e.”

Itinanggi rin ng rising food content creator ang komento ng mga tao na chickboy umano ang Mga Batang Riles actor. Sa halip, appreciative lang ito sa mga magaganda. Meron pang kuwento si Mommy Grace tungkol sa paghanga ni Miguel sa mga magaganda.

“Naalala ko po noon, nu'ng bata pa si Miguel, 'pag meron akong mga bisitang magagandang babae, talagang dumidikit talaga siya. So, mahilig talaga siya sa magaganda. Na-appreciate lang nitya siguro 'yung beauty nila,” sabi ni Mommy Grace.

Nang tanungin naman siya kung boto ba siya sa girlfriend ngayon ni Miguel na si Ysabel Ortega, ang sagot ni Mommy Grace, “Siyempre, okay na okay na 'to.”

Sabi pa niya ay sobrang nagustuhan na niya kaagad noon si Ysabel sa una palang nilang pagkikita dahil sa genuine na kabaitan nito, at pagiging family oriented.

Panoorin ang laro nina Mommy Grace at Miguel dito:

EMBED: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/fast_talk_with_boy_abunda/videos/#274396

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.