Rannie Raymundo, nakatanggap ng underwear ng fan sa isang performance
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ng '90s OPM Hitmakers na sina Rannie Raymundo at Richard Reynoso nitong Miyerkules, March 26, ikinuwento nila ang pinagkaiba ng fans noon at ngayon.
Kuwento nina Rannie at Richard, mas organic at talagang may mga relasyon sila kanilang fans. Sa katunayan, isang hindi malilimutan ng una ay noong nakatanggap siya ng underwear ng isang fan sa kaniyang performance.
“I have an entire... a big guitar case filled with [underwear,] pag-alala ng batikang mang-aawit.
Ikinuwento pa niya ang isang nakakatawang pangyayari kung saan isang fan umano ang hindi nagpahalata na nagtanggal ng underwear habang kumakanta siya sa isang performance.
“I was like singing [with my hands raised up] then it [underwear] landed sa kamay ko, so I thought it was panyo. Nagulat ako,” pag-alala ni Rannie.
Ngunit nilinaw din nina Rannie at Richard na ni minsan ay hindi nila sinubukan manligaw ng fans, bagamat marami umano ang nagkagusto sa kanila.
Related Gallery: How celebrities react to indecent proposal
Binalikan din nina Rannie at Richard kung kailan nila nalaman na sila ay sikat na sikat na. Para kay Richard, ito ay noong una niyang marinig ang kaniyang awitin sa radyo.
“Du'n pa lang, wala nang kasing napakagandang high du'n sa marinig mong tumutugtog kahit saan 'yung kanta mo. Napakasarap ho talaga sa pakiramdam,” sabi ng batikang mang-aawit.
Pag-alala pa ni Richard Reynoso, nasa restaurant siya para kumain noong una niyang narinig sa radyo ang kaniyang awitin.
Sa isang janitor naman na kumakanta ng kaniyang awitin unang narinig ni Rannie ang kaniyang awitin sa labas ng recording studio. Pag-amin niya, hindi malilimutan ang ganoong moments ng kanilang buhay.
“Kaya Tito Boy, 'yung fulfillment is talagang sobra. We cannot, and talagang napakasama naman i-compare 'yung following generations, and that's unfair. But it's really sweet kasi talagang analogue po 'yung aproach namin, e. Pinaghirapan po namin,” sabi ni Rannie.
Pag-alala pa niya at nanliligaw pa sila noon sa mga music stores para kamustahin ang kanilang sales. Kwento pa ni Richard, maging mga DJ, kapag birthday ng mga ito, ay pinupuntahan nila at binibigyan ng mga regalo at pagkain para patugtugin ang kanilang mga kanta.
Si Rannie ang hitmaker sa likod ng kantang "Why Can't It Be" habang si Richard naman ang nasa likod ng classic hits na "Paminsan-minsan" at "Hindi Ko Kaya."