glaiza de castro
Source: FTWBA
TV

Glaiza De Castro on musical film 'Sinagtala:' Pag-asa rin'

By Kristian Eric Javier
Alamin dito kung gaano ka-importante para kay Glaiza De Castro ang upcoming musical film na 'Sinagtala':

Malaki ang naging papel ng musika sa buhay ni Glaiza De Castro kaya naman, ganoon na lang ang halaga sa kaniya ng upcoming musical film nila na Sinagtala.

Sa pelikula ay gaganap si Glaiza bilang si Paola, ang gitarista, keyboardist, at bokalista ng bandang binubuo nina Reggie (Rayver Cruz), June (Rhian Ramos), Isko (Matt Lozano), at Carla (Arci Munoz).

Sa pagbisita ni Glaiza sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 26, ibinahagi ni Glaiza na nakikita rin niya ang naturang pelikula bilang kaniyang “moral compass.” Inamin rin ng aktres na maging siya at dumaan din sa madilim na mundo na ginagalawan ngayon ng mga tao, ngunit nagkaroon siya ng gabay.

“Sa madilim na mundo na ginagalawan ng kahit sino sa atin, kahit ako, dumating ako sa punto na 'yun, e. May isang maliit na liwanag na nakikita mo na gagabay sa'yo at magsasabi sa 'yo ng 'Sundan mo 'ko,' or ''Wag kang mawalan ng pag-asa.' or 'Lumaban ka,'” sabi ng aktres.

Ayon sa Kapuso actress, sa pamamagitan ng kaniyang karakter na si Paola sa pelikula ay nabigyan niya ng gabay ang kaniyang mga kabanda kahit pa hindi sila magkakasama.

TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA RED CARPET PREMIERE NIGHT NG 'SINAGTALA' SAA GALLERY NA ITO:

Binigyan pansin naman ni King of Talk Boy Abunda ang tema ng kanilang pelikula at sinabing lente ng pagatatapos ang ginamit para tingnan ang buhay. Ngunit para kay Glaiza, kahit na sa lente umano ng pagtatapos ng buhay titingnan ang pelikula, nagbibigay rin ito ng pag-asa.

“Kumbaga, parang pagkatapos ng isang chapter ng buhay mo, may nakaabang pang magandang mangyayari sa'yo,” sabi ng aktres.

Samantala, para umano kay Glaiza, napaka importante sa kanyia ng pelikulang Sinagtala dahil sa mensaheng dala nito para sa mga manonood.

Paniniwala umano ng aktres, ang mga bagay na nilalagay sa utak, pinapakinggan, pinaniniwalaan, at pinapanood ang nagiging gabay ng isang tao sa paggawa ng mga desisyon niya sa buhay at kung papaano umano magre-react ang isang tao sa mga pagsubok na kakaharapin niya.

“Like example, challenges, problems, parang to me, Tito Boy, 'yung music ay nagsilbing guide ko. Actually, masasabi ko siyang sinagtala ko e. Kasi sa mga darkest moments ko, may mga mapapakinggan akong kanta na 'Uy, okay 'yun a?' na iyak na lang ako, hindi ko ma-explain paminsan bakit ako naiiyak,” sabi ni Glaiza.

Aniya, na-encourage siya ng nasabing kanta at nabigyan siya ng bagong paniniwala at pananaw sa buhay dahil lang sa kantang iyon.

“Personally, for me, kung si Arci ibang tao siya dito, ako, feeling ko ipe-present ko kung sino talaga ako through this film,” sabi ng aktres.

Mapapanood na ang Sinagtala simula April 2 nationwide.

Panoorin ang panayam kay Glaiza dito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.