Glaiza De Castro, David Rainey ready to have baby
TV

Glaiza De Castro, David Rainey, handa na bang magkaroon ng baby?

By Kristian Eric Javier
Ready na daw sina Glaiza De Castro at David Rainey na magkaroon ng baby!

Matapos ang kanilang kasal noong 2021, ang beach wedding noong 2023, handa na umano sina Glaiza De Castro at David Rainey na magkaroon ng baby.

Matatandaan na sa August 17, 2024 episode ng Running Man Philippines 2 ay nagpahula sina Glaiza at kapwa Runner niya na si Mikael Daez, Angel Guardian, at Kokoy de Santos sa pamamagitan ng Saju reading, ang tradisyonal na Korean fortune telling.

Sa magkahiwalay na hula sa kanila ni Mikael ng Saju Master na si park Seong-jun ay magkakaanak umano sila sa pagtatapos ng 2024 o sa 2025.

Sa pagbisita ng Sinagtala star sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 25, binalikan ni King of Talk ang naging hula sa kanila at sinabing nauna na si Mikael. Dito ay tinanong na si Glaiza kung handa na ba silang magkaanak ng asawa.

Sagot ng aktres, “Ready na. Like before, hesitant ako to say this because meron pa akong ginagawang pelikula or series, trabaho, pero it will come kapag po ayos na lahat.”

Pag-amin ni Glaiza, nag-aalinlangan siya noon na sabihin na handa na talaga sila ni David magkaroon ng anak. Hindi rin nila umano pinipilit na magkaroon na ng baby at naniniwala siyang darating ito sa tamang panahon.

“Hindi ko siya pinipilit kasi the more I think about it, the more people are asking me about it, parang 'Oo, sige na, sige na.' Pero nananalig pa rin ako at naniniwala pa rin ako na darating siya sa tamang panahon,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG MULING PAGKIKITA NINA GLAIZA AT DAVID NOONG PASKO NOONG 2024 MATAPOS ANG LONG DISTANCE NILANG RELATIONSHIP SA GALLERY NA ITO:

Samanatala, naglabas din ng saloobin niya ang Sinagtala actress tungkol sa challenges ng kanilang distance. Nasa Ireland kasi ngayon ang asawa niyang si David, habang nasa Pilipinas si Glaiza. Ngunit paglilinaw ng aktres, masaya pa rin naman ang marriage nilang dalawa.

“Masaya, though syempre nandiyan pa rin ang challenges sa aming distance kasi hindi pa rin naman natatapos 'yung ano namin e, parang chapter namin sa pag-alis at pagdating. 'Yung love and hate relationship sa airport, nandiyan pa rin,” sabi ni Glaiza.

Kuwento pa ng aktres ay masaya at masarap sa pakiramdam niya ang magdiwang ng special occasions kagaya ng Pasko, Bagong Taon, at birthdays kasama si David at pamilya nito noong bumisita siya sa Ireland noong nakaraang holidays.

“Siyempre ang saya sa feeling na makasama siya sa mga importanteng okasyon na 'yun, and then it has to end kasi kailangan kong bumalik dito,” sabi ni Glaiza.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.