Nikki Valdez on past relationship with Troy Montero: 'Difficult'
Traumatizing umano para kay Lolong: Bayani ng Bayan actress Nikki Valdez ang naging past relationship niya kay Troy Montero.
Sa pagbisita ni Nikki Valdez at Bernadette Allyson sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 24, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon ni Nikki kay Troy noon. Pag-amin ni Nikki, “difficult” ang relasyon niyang iyon, lalo na't nasa "peak" ng kanyang karera si Troy.
“Alam mo na naman na 'to, Tito Boy, at saka pinag-uusapan na lang natin 'to. Hindi na para maapektuhan pa tayong lahat. But you know this very well that during that time, it was his peak, the peak of his career and ang daming na-shock na 'Bakit siya?' Bakit daw ako,” saad ni Nikki.
Pag-alala pa ng aktres, may ilang tao pa noon na nagbibigay ng reference na ang mga foreigners katulad ni Troy ay mahilig sa mga babae na katulad o kamukha ni Nikki. Pag-amin niya, sobrang sakit ng mga sinabi noon para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
“My Kuya then was in college and I remember he told me, napanood niya 'yung isang interview sa TV na 'yun na nga, 'yung parang 'Bakit si Nikki Valdez? Ang mga foreigner talaga mahilig sa mga ganiyan.' So nasaktan 'yung Kuya ko for me,” pag-alala ni Nikki.
Pagbabahagi pa ng aktres, umabot sa punto na hindi na siya nagbabasa o bumibili ng dyaryo noon para lang hindi na niya mabasa ang mga sinasabi tungkol sa kaniya.
“Kung meron man, hindi ako nag-o-open ng entertainment section. Na-trauma talaga ako,” sabi ni Nikki.
TINGNAN ANG BEAUTIFUL FAMILY NGAYON NI NIKKI VALDEZ SA GALLERY NA ITO:
Dagdag pa ng aktres, kung ngayon nangyari iyon sa kaniya kung kailan meron nang social media ay baka hindi kayanin ng kaniyang mental health.
“Bagsak, negative talaga kasi hindi ko alam paano umabot sa ganu'n. Siyempre nu'ng time na 'yun, love lang tayo, tao lang naman tayo, and I believed na ours were a genuine kind of love,” sabi ni Nikki.
Nagbigay naman ng kanyang opinyon si Boy tungkol sa mga taong mahilig magkomento sa buhay ng iba, “People trying to define who you are, people trying to define your relationship, people trying to define your beauty. Kasalanan mo ba? I would joke about it once in a while pero kasalanan ba ng isang tao kung hindi nakikita ng kapwa ang kaniyang kagandahan?”