
Bilang ilan sa mga itinuturing na Kapuso Hunks, hindi maiwasan na ma-experience na ma-objectify nina Slay actors Derrick Monasterio at Royce Cabrera.
Sa pagbisita nina Derrick at Royce sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 13, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung may mga pagkakataon bang hindi sila komportable kapag na-o-objectify sila lalo na pag nakikita ang kanilang magandang katawan.
Pag-amin ni Derrick, “Meron, Tito Boy, pero iniisip ko na lang na wala namang alam 'yung mga taong 'yun sa buhay ko and kung ano 'yung mga napagdaanan ko and 'yung mga napag-aralan ko.”
Saad pa ng aktor ay hindi na siya masyadong naaapektuhan ng mga ganoong komento.
Ibinahagi rin ni Royce ang pananaw niya at sinabing naging malaki ang epekto ng social media. Aniya, dahil mas madali nang nakikita ng mga tao ang nangyayari sa buhay ng celebrities ay mas madali na rin silang manghusga.
“Ang tendency, may social media naman na tayo, ginagamit ko rin 'yun somehow para ipakita rin sa tao na may mga other activities or other things din ako na kayang gawin,” sabi ni Royce.
TINGNAN ANG KUWENTO NINA DERRICK AT ROYCE TUNGKOL SA INDECENT PROPOSALS SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ipinahayag din ni Boy na unfair para sa kaniya na basta lang nanghuhusga ang mga tao, lalo na sa mga artista.
“I really, really take offense kapag may mga kaibigan ako na hindi nandito sa ating negosyo at 'pag sinasabi nilang 'Artista lang naman 'yan e.' Na para bagang akala nila, ang dali-dali mag-artista,” sabi ni Boy.
Pag-amin ni Derrick, “Mahirap umarte, a? Mahirap.”
Panoorin ang panayam kina Derrick at Royce dito: